Chapter 33

4.3K 137 27
                                    

XXXIII- Treat

Raffa's POV

Maraming mga bagay na hindi natin inaasahan na mangyayari. 'Yung tipo na pwede pala mabago ang ikot ng ating pamumuhay sa isang iglap. Walang ibang magagawa kun'di ang tanggapin ang mga pagbabago na magaganap.

Katulad ng pangyayari sa aking buhay ngayon. Sa higit isang dekada na lumipas ay hindi ko na inaasahan na muli kaming pagtatagpuin. Na muli kong makakaharap 'yung tao na nagkaroon ng malaking parte sa buhay ko.

Hindi ko inaasahan na ako 'yung nang-iwan, pero ako itong muling babalik sa kaniya. Hindi nga lang bilang babaeng mamahalin niya, babalik ako bilang isang babaeng tutulungan siya upang gumaling.

Lahat ng pangyayari ngayon ay hindi ko inaasahan pero kailangan kong tanggapin na nangyari iyon. That's life works, embrace what's destined to happen.

Nakalimot nga siya.

Hindi niya ako nakilala nung muli niya akong nakita. Nakalimutan niya 'yung mga nangyari sa amin noon. Ang muling paghaharap namin ay may malaking epekto sa aking pagkatao. Pero sa kaniya, nakikita lang niya ako bilang nurse niya.

Siguro nga, may magandang epekto 'yon. Makakapagtrabaho ako nang maayos sa kaniya. 'Yong wala akong haharapin na galit at panunumbat galing sa kaniya dahil sa pang-iiwan ko. 'Yong wala akong tanong na sasagutin mula sa kaniya. 'Yong hindi ko na muling mababalikan ang lahat ng nangyari sa amin. Nakalimutan niya ang lahat.

Nandito ako ngayon sa canteen. Break time na kasi namin ngayon. Wala akong ganang kumain pero pumunta pa rin ako rito, para tumambay siguro at magpahinga. Bibili na lang ako ng kape para hindi nakakahiyang umupo. Ang canteen pa naman ng aming hospital ay parang restaurant. Masyadong modern at maganda ang disenyo.

Hindi ko na naman maiwasang mapatulala na kailangan pang kuhanin ng tindera ang aking atensyon. Hindi talaga ako makapaniwala sa nangyari kanina, na sa ganoong paraan ako ipapakilala ni Doc Cian sa kaniya. Hindi ko makalimutan kung gaano naging kalakas ang pagtibok ng aking puso habang kaharap at kinakausap siya.

At hindi ko rin mapigilan na mag-alala sa biglaang pagsakit ng ulo niya sa aking harapan. Gusto ko siyang kamustahin, pero alam kong hindi pa ako handa na harapin siyang muli. Kaya ipinagdadasal ko na lang ang kaniyang lagay. At alam ko rin na hindi siya pababayan ni Doc Cian.

"Oh, shit!" Nanlaki ang aking mga mata nung may biglang bumangga sa akin, o ako mismo ang nakabangga sa kaniya dahil ako ang hindi tumitingin sa daan. Masyado akong abala sa pag-iisip.

Napatingin ako sa aking harapan. Tanging 'yung dibdib lang nung lalaki ang aking nakita dahil masyado itong matangkad kaysa sa akin. Mas nanlaki ang mga mata ko nung makita na marumi na ang puting longsleeve na suot nito. Natapunan ko siya ng kape na mainit. Agad akong kumilos at kinapa ang bimpo ko sa bulsa ng uniform ko saka ipinunas sa damit ng kung sinong lalaki na 'to.

"Hala, pasensiya na po." Sabi ko habang pinupunasan ang damit niyang natapunan ko. Napahinto ako nung hawakan nito ang aking kamay. Napatingin ako sa lalaki at nagulat nang makita kung sino 'yon.

"It's okay, Raffa." Nakangiting sabi niya sa akin, hindi pa tinatanggal ang pagkakahawak sa kamay ko.

"C-Calli," naiusal ko sa kaniyang pangalan.

"I will buy you another one, just sit. I'll join you, okay?" Wala akong nagawa kun'di ang tumango. Doon niya palang binitawan ang aking kamay at saka pumunta doon sa bilihan ng kape. Napaupo naman ako sa isang upuan.

The Engineer's Private NurseWhere stories live. Discover now