Chapter 57

3.5K 121 6
                                    

LVII- Fight

Raffa's POV

"Kakayanin mo siyang kausapin, Raffa. Kailangan mong gawin 'to,"

Huminga ako nang sobrang lalim pagkatapos kong kumbinsihin ang sarili. Ngunit hindi yata sapat ang paghahanda na ginawa ko. Kinakabahan pa rin ako at hindi mawala-wala 'yon.

Kanina pa ako nasa labas ng bahay dahil pinanood ko pa ang pag-alis ni Harren matapos akong ihatid. Akala ko ay mawawala na ang kaba dahil ako na lang mag-isa, pero mas titindi pa pala.

Ramdam ko ang pamamawis ng aking kamay nung hinawakan ko ang doorknob. Sigurado akong hindi nila ito ni-lock dahil tinext ko si kuya na uuwi na ako habang bumabyahe papunta rito, nagreply siya ng pagpayag.

Sige na. Buksan mo na, Raffa.

Gusto kong pagalitan ang sarili dahil masyado na yata ang kaba na nararamdaman ko. Para namang pagbukas ng pinto ay si Harris agad ang bubungad sa akin.

Napailing ako. Over acting na yata ako masyado. Kaya ko 'to, ako ang may kasalanan ngayon kaya dapat buong tapang kong hinaharap ang consenquence ng nagawa ko.

Dala ang kumpyansa'ng naani ko ilang segundo ang nakalipas, walang pag-aalinlangan kong binuksan ang pinto.

"Aray!"

Nanlaki ang aking mga mata dahil mukhang may natamaan ako nung binuksan ko ang pinto. 'Pag binuksan kasi ang pinto namin ay papasok ang galaw nito. Kung may tao malapit sa pinto ay siguradong tatamaan kapag may nagbukas nito mula sa labas.

"Hala, sorry!" Paghingi ko nang paumanhin sa natamaan ko. Nakatakip ang dalawang kamay niya sa mukha, doon siguro tumama ang pinto. Pilit kong inalis ang mga kamay nito na nakaharang para makita kung  may sugat ba.

Pero sino ba 'tong natamaan ko?

Napahinto ako sa ginagawa nang marealize kung sino 'yon. Mukhang napatigil din sa pag-inda ang natamaan ko, katulad ko ay narealize na rin niya kung sino ang nasa harapan.

"A-Angel..." mahinang pagbigkas niya sa pangalan ko, nagugulat.

Mabilis kong inalis ang aking kamay na nakahawak sa kamay ni Harris. Ano bang mayroon sa tadhana na parang naglalaro, talagang siya pa ang unang taong makikita ko rito sa bahay. Napayuko ako dahil sa kawalan ng masasabi. Ere na naman, name-mental block na naman ako.

Hindi ko na mapangalanan ang emosyon na naramdaman ko nung bigla niya akong niyakap. Habang tumatagal ay mas humihigpit pa ang pagkakayakap niya.

"'Buti naman at umuwi ka na. Ang tagal ka nang hinihintay ni Emi.. ang tagal na kitang hinihintay," bulong niya sa mismong tenga ko.

Hindi ba siya galit? Bakit hindi niya manlang ipinaramdam sa akin na may nagawa ako sa kaniyang hindi maganda?

"A-Ano?"

Humiwalay siya sa yakap at agad na gumalaw ang mga kamay para haplusin ang pisngi ko. Matindi ang pagtitig na ginagawa niya sa mukha ko, parang sinusuri. Kitang-kita sa mga mata niya na nasabik siya sa presensya ko.

"Ang tamlay mo namang tignan. Namamaga pa ang mga mata mo. Umiyak ka ba? Masyado bang toxic ang duty mo ngayon?" Nag-aalalang tanong niya.

Pero imbis na matuwa ay nakaramdam ako ng inis, inis na nagawa na naman akong paiyakin. Mas tumindi ang pag-alala sa mukha niya.

"Bakit ka ba ganiyan?" Nanunumbat na tanong ko.

"Anong bakit ako ganito?"

Naramdaman ko ang sunod-sunod na pagtulo ng mga luha sa pisngi ko.

The Engineer's Private NurseWhere stories live. Discover now