Epilogue

7.5K 223 36
                                    

Harris Emmanuel Lozan

"Ano? Magpapanggap ka na nakalimot ka? Baliw ka ba?!"

Napahawak ako sa aking noo habang napapayuko dahil sa sigaw ni twin. Agad ko rin tinanggal ang kamay ko sa aking noo dahil may benda nga pala ro'n.

"Tumilapon din yata utak niyan nung aksidente, e," dinig kong bulong ni Aj. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Agree." gatong naman ni Calli.

Sinamaan ko rin siya ng tingin. Bwisit 'tong mga 'to. Imbis na tulungan akong pahupain ang galit ni Harren talagang mga gumatong pa.

Nandito sila sa hospital room ko. Nung mismong araw kasi nung nagising ako ay wala silang ibang ginawa kundi ang asarin ako, tatanga-tanga raw. Nung pumasok nga sila no'n ay iisa lang ang sinabi nila, buti raw buhay pa 'ko. Pero alam ko namang deep inside, mga worried lang sila, mga mapagpanggap lang talaga.

Nung araw din na 'yon ay in-update nila ako sa mga nangyari two weeks ago. Hindi ko akalain na gano'n katagal akong tulog, naging kritikal pa. Pero nasa akin siguro ang swerte dahil buhay pa rin ako. Sinabi rin ni Cian na kukuha raw siya ng nurse na mag-aalaga sa akin. Sigurado raw siya na maalagaan ako no'n nang maayos dahil garantisado niya ang kakayahan nito.

Syempre, ako rin naman ay sigurado nang kahit sinong alagaan ng nurse na kinuha niya ay gagaling dahil sa galing nito. Bago magtiwala si Cian sa kakayahan niya, ako ang naunang gumawa no'n. Bago siya naging garantisado sa pag-aalaga niya, ako ang naunang humanga sa kung paano siya kumalinga. Para kay Angel ang pagiging nurse, kaya walang duda ang galing niya sa linya'ng ito.

Kaya ngayon kumuha ako ng pagkakataon para kausapin sila tungkol sa naiisip kong plano nang malaman ko ang gustong mangyari ni Cian. Inaasahan ko na ang pagtanggi nila pero wala silang magagawa.

"Bakit ba kasi kailangan mo pang magpanggap na nakalimot? It's not a good scheme, panloloko 'yan." mahinahong sabi naman ni Cian. Medyo matino pero hindi naman ako sinakyan kaya wala rin.

"Bakit kasi sa dinami-rami ng nurse sa hospital mo, si Angel pa ang napili mo?" sinagot ko rin siya ng tanong.

Nakita ko ang kalituhan sa mukha niya. "Angel?"

"'Yung nurse na sinabi mong mag-aalaga sa 'kin,"

"Oh, right. You're talking about Nurse Angel Rafflesia," parang natauhan siya.

Ramdam ko na naman ang pag-react ng pesteng puso ko nang marinig ang pangalan niya. Talagang nurse na nga siya at dito pa sa hospital ni Cian. Napakagaling talagang maglaro ng tadhana.

"Akala ko ba ayaw mong may mag-alaga sa 'yo? Tumanggi ka na nung nakaraan." dugtong niya pa.

Tinanggihan ko naman talaga 'yung alok niya nung nakaraan. Pinipilit niya ako na magkaroon ng sariling nurse na makakatulong sa akin na maka-recover. Sabihin na natin na napuruhan nga ako sa aksidente, pero parang masyadong over acting tignan kung magkakaroon pa ako ng sariling nurse. Kaya kong gumaling sa sarili kong pamamaraan. Kahit na nagkaroon na ng pirmahan ng kontrata ay tatanggihan ko 'yon. Pero nung marinig ko mula kay Cian kung sino ang nurse na mag-aalaga sa akin ay gusto kong bawiin ang pagtanggi na ginawa ko.

Dinig ko ang mahinang pagtawa ni Aj. "B'ro, si Raffa 'yon. Walang tanggi 'yang pasyente mo sa ganda nung nurse mo,"

"Bakit? Ano pa bang meron kay Nurse Raffa at sa pasyente ko bukod sa pagiging mag-schoolmate dati?" Tanong ni Cian kay Alrin.

"Wala ka, outdated ka. Hindi mo ba alam na d--"

Kahit na hindi ko pa masyadong magalaw ang katawan ko ay sinikap kong kuhanin ang bote ng tubig na wala nang laman at binato kay Alrin.

The Engineer's Private NurseWhere stories live. Discover now