Chapter 50

5.5K 186 26
                                    

XL- Untold

Raffa's POV

"Ang lamig!"

Sinamaan ko ng tingin si Harris nang marinig ang reklamo niya. Hindi naman nagtagal ang paliligo namin sa ulan. Sa totoo nga lang ay hindi nagtagal ng mahigit trenta minuto pero parang ilang oras namin 'yong ginawa dahil naging masaya. Ito namang lalaki na 'to, mag-aaya na maligo tapos siya pala ang unang susuko sa lamig.

"Malamig pala. E, bakit ba kasi napagtripan mong maligo sa ulan?" Kunwaring naiinis kong tanong.

Nandito na kami ngayon sa loob ng kwarto nila ni Harren pero nakaupo kaming lahat dito sa kama ni Harris. Natapos na kaming maligo sa ulan dahil tumigil na rin kaya nagbanlaw na kami. Pinupunasan ko ngayon ang buhok ni Emi gamit ang towel.

Napasimangot ang mukha ni Harris dahil at nagmumukmok na lumapit pa siya kay Emi.  "Napakasungit naman nitong mama mo. Parang hindi nag-enjoy, e." Bulong pa niya ngunit rinig ko naman.

"Okay lang po 'yan, Papa. Ganiyan po talaga si Mama, may times po na ayaw niya ng isang bagay pero deep inside, gusto naman niya po." Nagtawanan pa sila pagkatapos sabihin ni Emi 'yon. Ang gagaling talaga nila.

Hinarap ko sa akin si Emi para mapunasan naman ang buhok niya sa harapan ng mukha niya. "Ikaw, Emiliana, ha. Nahahawa ka na d'yan sa tatay mo." Sabi ko sa kaniya pero ningitian lang niya ako nang matamis.

Ano pa nga ba ang aasahan ko? Magkaparehas talaga sila ng ugali at dapat ko nang asahan na mas magkakasundo sila.

Nilingon ko naman 'yung isa dahil nanood lang siya sa akin na punasan ang buhok ni Emi pero ang sariling buhok ay tumutulo pa.

"Bakit hindi mo pa pinatuyuan ang buhok mo?" Masungit kong tanong sa kaniya.

"Gusto ko rin ng gan'yan." Nakangusong sabi niya, tinuro pa ang kamay ko na nasa buhok ni Emi.

Ngumiti ako sa kaniya. "Gusto mo punasan ko rin buhok mo?"

Ngumisi siya at tumango. "Gustong-gusto,"

"Umasa ka," dugtong ko. Muntik na akong matawa sa harap niya dahil sa reaksyon niya. Para siyang bata na na-agrabyado.

"Biro lang. May blower ka ba?" Pagbawi ko, kawawa naman kasi. Baka umiyak pa.

Lumiwag ang kaniyang mukha. "Nasa drawer d'yan sa study table," nakangiting sabi niya.

"Maghintay ka, malapit na akong matapos dito sa anak mo." Sabi ko sa kaniya at itinuon na ang atensyon sa buhok ni Emi na patuloy kong pinapatuyo. 

May mga kamay naman siya, bakit hindi niya 'yon gamitin para i-blower ang sariling buhok?

Pagkatapos ko kay Emi ay kumilos ako at kinuha ang blower. Bumalik muli ako at hinanap ang saksakan malapit sa kaniya para magamit ko 'tong blower.

"Upo," utos ko sa kaniya nang matapos kong i-set up ang blower.

Napangiti ako nung makita kong cute na cute siyang kumilos palapit sa akin pero nawala ang ngiti na 'yon ng umupo ang loko sa mismong hita ko. Bahagya ko siyang tinulak palayo sa akin, muntik pa nga'ng masubsob at malaglag sa sariling higaan.

The Engineer's Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon