Chapter 10

4.1K 102 6
                                    

X- Problem

Raffa's POV

"Congrats, Angel ko!"

Napangiti ako ng tuluyang makalapit sa bench naming mga player. Ngayon lang kasi tuluyang natapos ang tryout namin sa volleyball, isang linggo ang itinagal no'n. At mukhang kasama ko ang swerte, official member na ako ng volleyball team ng school. Kaming dalawa ni Matri ay natanggap.

Kinuha ko ang bote ng tubig na inabot ni Harris saka ininuman. Nakangiti niya akong pinanood na uminom kaya bahagya akong nailang. "S-salamat at nanatili ka hanggang sa natapos ang laro," Ibinigay niya sa akin ang towel niya.

"Wala 'yon. Magpunas ka muna, bawal kang matuyuan ng pawis." Nakakahiya dahil parang naging personal assistant ko siya sa bawat araw na may laban ako. Sa bawat laban ko, lagi siyang nakasuporta sa akin.

Napatingin ako sa paligid. Kaming mga volleyball player na lang ang nandito dahil medyo ginabi kami sa tryout. "Baka pagalitan ka na ng parents mo, umuwi ka na." Utos ko sa kaniya.

Natawa siya. "Seryoso ka ba talaga d'yan sa sinasabi mo? Busy nga sa work parents namin. Saka hindi ka pa ba sanay na hinahatid kita 'pag ganito?" Tanong niya. Napayuko lang ako at tinignan ang hawak niyang nakarolyong banner. Panibagong banner na naman na ginawa niya.

Siya talaga ang number one supporter ko.

"Pero salamat talaga ah? Sinusuportahan mo ako palagi." Ngumiti ako ng ginulo niya ang buhok ko.

"Para saan pa ang pangako natin sa isa't-isa ha? Tara na, baka ikaw ang pagalitan ni Aven." Sinukbit niya sa kaniyang balikat ang bag ko.

"Teka lang, magpapaalam muna ako kay Matri." Tumango siya bilang pagpayag kaya naman tumakbo ako at niyakap ang likod ni Matri.

"Congrats sa atin!"

Nagulat siya sa ginawa ko pero natawa na lang siya na humarap para gumanti ng yakap sa akin. "Sabi ko sa'yo e. Kaya natin 'yan!" Nakakaproud dahil parehas kaming natanggap. Sa dami ng mga sumali, dalawa kami sa maswerteng natanggap.

Saglit pa kaming nag-usap bago siya pinuntahan ng driver niya at inaya na umuwi. Pinanood ko pa ang kanilang paglalakad palayo.

"Hoy lumalalim ang gabi, baka mapagalitan tayo ng kuya mo. Tara na!" Nagitla ako ng marinig ang boses ni Harris sa aking tabi.

"Oo, teka lang. Huwag ka nga mag-apura. Umuwi ka na kung gusto mo." Sabi ko sa kaniya pero umiling siya at hinawakan ang kamay ko. Sanay na ako sa paghawak niya sa aking kamay. Wala namang masama doon dahil paraan siguro niya 'yon para hindi ako mahiwalay sa kaniya.

Ewan ko nga ba kung bakit palagi na kaming magkasama. Simula nung nagsulat kami sa scratch notebook ko ay hindi na siya humiwalay pa sa akin. Hindi ko ito inaasahan dahil inis na inis ako sa kaniya dati. Pero ngayon, hindi na yata natapos ang aking araw ng hindi siya kasama.

"Thank you po, coach!" Si coach naman ang aking pinuntahan. Tinanguan naman niya ako at nahinto ang kaniyang paningin sa kamay namin ni Harris na magkahawak.

Natawa siya kaya napayuko ako sa hiya. "Hiring din kami ng cheerleader, gusto mo ba mag-audition, Mr. Lozan?" Napatingala muli ako ng sabihin 'yon ni coach.

"Isa lang naman ang Angel sa player mo, sir. No thanks." Nanlaki ang mga mata ko sa sinagot ni Harris. Kahit kailan talaga ay ganito siya sumagot sa teacher. Lagot 'to sa akin mamaya.

"Akala ko lang gusto mo dahil nagsasawa na ako sa'yo. Palagi nalang kita nakikita na nagchi-cheer dito kay Vasquez." Nagtaka ako. Parang magkaibigan lang sila kung mag-usap.

The Engineer's Private NurseWhere stories live. Discover now