Chapter 20

3.7K 85 7
                                    

XX- Moments

Raffa's POV

Sigurado na siya... sa akin?

Agad kong naramdaman ang pag-init ng aking pisngi dahil sa sinabi niya. Napakanormal lang ng paraan ng kaniyang pagsasalita ngunit ganito na ang naging epekto sa akin. Napakabilis ng pagtibok ng puso ko.

"Totoo bang si Emman pa ito, Tasyo?"

"Opo, lola. Nabaliw na nga 'yan nang tuluyan. 2nd year highschool pa lang kami, ganiyan na 'yan kabaliw kay Raffa." Sagot ni Harren sa tanong ng lola niya.

"Grabe ka naman! Bitter ka na naman. Lola, wala ka bang minatamis na something d'yan? Ipakain niyo nga kay Tasyo para hindi na maging mapait."

"Ano ba kayo? Sa harap pa ni Raffa kayo nag-away, hindi ba kayo nahihiya?"

Sanay na po ako sa dalawang 'yan..

"Ah, iha. Ako nga pala si Tess. Lola nung kambal na 'to. Pwede mo rin akong maging lola lalo't sigurado na pala si Emman sa'yo." Pakilala sa akin ni lola--lola nung kambal.

"Uhm.." hindi pa man ako nakakapagsalita ay hinawakan na niya ang aking kamay saka siya tumayo kaya naman nahila rin niya ako.

"Paniguradong gutom ka na. Mabuti at naghanda ako ng pagkain. Kumain na muna tayo, ha?" Sabi niya.

"Opo,"

Sabay kaming bumaba sa hagdan at pumunta sa kusina. Nailibot ko na naman ang aking paningin doon. Ganoon pa rin, makaluma pa rin ang disensyo ng kusina ngunit ang mga gamit ay bago.

"Bakit ang daming pagkain, lola?" Tanong ni Harris ngunit ang mga kamay ay gumagalaw para hawakan ang aking kamay. Tinignan ko siya ng masama ngunit ngumisi lang siya sa akin.

Umupo kaming apat sa mahabang lamesa nila. Pati lamesa ay napakaganda parang nakakahiyang dumihan. Tama nga si Harris, maraming pagkain ang nasa lamesa na para bang may fiesta. Hindi pa man ako kumakain ay nabusog na ako katitingin.

"Syempre. Birthday niyo kaya naghanda ako," masayang sabi ni lola Tess, ngayon pa lang sinagot ang tanong ni Harris.

"Eh? Naramdaman mo po ba na pupunta kami dito kaya ka naghanda?" Tanong ni Harren.

"Hindi. Bawat taon, pinaghahandaan ko 'yan. Maswerteng nakapunta kayo dito kaya may kasama na akong kakain ng mga handa," simpleng sagot niya habang inaalis ang mga takip ng pagkain.

Napatingin ako sa dalawa na ngayon ay biglang nalukot ang mukha, nalungkot sa narinig.

"Pasensya ka na, 'la, ah? Wala e, hindi kami pinapayagan na pumunta dito. Ngayon lang nakatakas. Alam mo naman 'yung mga magulang namin lola, busy daw." Si Harris ang bumasag sa katahimikan.

"Ayos lang 'yon. Naiintindihan ko, at dapat lang na hindi kayo pumupunta dito dahil hindi pa kayong pwedeng bumyahe ng malayo nang kayo lang. Alam ko naman na dadalawin niyo ako kapag kaya niyo na, katulad ngayon. Huwag nga muna natin 'yan pag-usapan, kumain muna kayo." Sabi ni lola Tess. Kaya naman nagsimula ng mag-ingay ang lamesa.

Nakita ko kung paano kami i-assist ni lola Tess sa paglalagay ng pagkain sa plato. Kahit kaya namin ay hindi niya hinayaan na gawin namin 'yon. Siya ang nag-asikaso sa aming kakainin.

The Engineer's Private NurseWhere stories live. Discover now