Chapter 8

4.1K 106 13
                                    

VIII- Math

Raffa's POV

"Natawagan ko na si kapitan. Nakulong na raw 'yung nanghipo sa'yo kahapon. Hindi pala agad nakulong 'yon dahil binasag ni Harris 'yung mukha at kailangan ipagamot sa hospital," Sabi ni kuya pagkaupo niya dito sa hapagkainan. Almusal na kasi at papasok na naman ulit kami sa eskwelahan.

Inalam talaga ni kuya ang lahat ng nangyari. Hindi talaga siya mapalagay kapag may nangyayaring hindi maganda sa akin.

Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay kuya. Dahil seryoso lang ang kaniyang mukha habang kumukuha ng sinangag sa lamesa.

"Aba'y mabuti naman at nakulong. Sana magtanda na ang taong iyon na hindi tama ang ginagawa niya. May iba pa bang ginawa sa'yo 'yon, Rafflesia? Okay ka na ba?" Tanong ni mama sa akin.

Umiling ako. "Okay na po ako mama, saka wala na po siyang ibang ginawa. Hindi rin po nagtagal 'yung hawak niya kasi.. dumating po si.. ano.. si.." Bakit hindi ko masabi ang pangalan niya kay mama?

"Si ano?"

"Si.. Harris saka po 'yung mga kaibigan niya," Napatitig ako sa aking pagkain pagkatapos ko 'yong sabihin.

"Ah, 'yung inimbitahan ba nung kuya mo mamaya?" Tumango ako.

"Tama ang desisyon mo, Rafael. Mabuti at naisip mo silang imbitahin. Aba't himala, mukhang nagiging pala-kaibigan ka na 'ata, anak?" Napatingin ako kay kuya nung tinanong siya ni mama.

Ngumiti ng maliit si kuya. "Magaan ang loob ko kay Harris saka kay Harren, kahit noong hindi pa niya kilala si Raffa. Lalo lang gumaan ang loob ko kay Harris nung niligtas niya si Raffa kaya bakit hindi ko siya iimbitahin, mama?" Simpleng sabi niya.

"Gugustuhin ko na makita ang mga naglitas kay Raffa. Lalo na 'yung Harris dahil mukhang nakuha niya ang inyong interes," Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni mama.

"Hindi po, mama!" Pagtanggi ko sa sinabi niya. Sabay naman silang napatingin sa akin ni kuya.

"Bakit naman Raffa? Hindi mo ba siya gusto?" Tanong ni mama kaya naman mas umiling ako.

"Hindi ko po siya gusto!" Muli kong pagtanggi.

Bakit ba iniisip nila na gusto ko si Harris?

"Raffa, bakit hindi ka interesado na makipagkaibigan kay Harris? May problema ka ba sa kaniya? Kasi ako, matagal ko ng gusto kong makipagkaibigan sa kanila," Nagtatakang tanong ni kuya.

Interesadong makipagkaibigan kay Harris? 'Yun pala ang kanilang tinutukoy.

"Uhm.." Napayuko ako sa pagkapahiya. Masyado akong nag-react sa kanilang sinasabi. Hindi ko man lang i-analyze ang tanong at agad na sinagot iyon.

Nakakahiya!

"Gusto ko pong.. makipagkaibigan sa kaniya," Nasagot ko na lang para mabawi ang aking pagkakapahiya sa kanila.

Napatingin ako sa kamay ni kuya na ngayon ay nakalahad sa aking harapan.

"Tara na, magdasal na tayo at kumain," Nakangiting sabi niya sa akin. Napangiti na lang din ako ng makita kung gaano ka-aliwas ang kaniyang mukha. Napatingin ako sa paligid. Tanging ako si kuya at si mama lang ang nasa lamesa. Kulang kami.

The Engineer's Private NurseOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz