Chapter 31

4.3K 138 19
                                    

XXXI- Streetfoods

Ang canteen ng hospital ay saksi kung gaano ako nasasaktan.

Mahirap tanggapin na nakalimot siya at posible na.. kasama ako sa mga nakalimutan niya.

Hindi ko inaasahan na maari palang mangyari ang bagay na iyon. Akala ko ay sa palabas lang nangyayari ang ganoon.

They said, expect the unexpected, and it hurts me a lot because I didn't expect this things to happened. Ang sakit lang lalo na at paulit-ulit na parang sirang plaka sa utak ko 'yung reaksyon niya kanina. Nung hindi niya nakilala si Beryl, nung mukhang wala siyang alam sa mga nangyayari at mukhang nakalimutan niya ang lahat.

Nawala ang aking atensyon sa malalim na pag-iisip nung biglang tumunog ang phone ko. Nailagay ko na pala ito sa bulsa ko dahil akala ko ay makakauwi na ako.

Dapat pala ay umuwi na ako. Para hindi ko na sana narinig ang pag-uusap nila ni Beryl.

Kahit ano namang gawin ko ay hindi ko na iyon matatakasan. Nakalimot siya at 'yon ang katotohanan.

"Mabuti at nakasagot ka na sa tawag ko. Nag-OT ba kayo kaya ang tagal mong lumabas?" Agad na tanong ni Matri, mukhang naginhawaan siya dahil sinagot ko rin sa wakas ang tawag niya.

"Matri.." Basag ang aking boses nung sinabi ko 'yon. Wala akong balak na ipaalam sa kaniya ang nararamdaman ko ngayon pero mukhang makakahalata siya.

"Shit. Are you crying?" Nag-aalalang tanong niya.

Huminga ako ng malalim. "Pumasok ka na dito sa hospital, nasa canteen ako." Mahinang sabi ko. Mukhang wala naman akong palusot na masasabi sa kaniya para ikatwa ang totoong nararamdaman ko, kilala niya ako.

Napakabilis ni Matri, ilang minuto lang makalipas ang pagtawag niya sa akin ay narito na siya. Bahagya akong napangiti dahil pormang-porma siya ngayon, sumisigaw ang mamahaling brand ng kaniyang suot. Kung dati ay para siyang nerd at loner, nag-glow talaga siya.

"Anong problema?" Iyon agad ang kaniyang sinabi pagka-upo na pagka-upo niya, kilala niya ako.

"Gising na siya." Pagbabalita ko.

Ang kaninang nag-aalala niyang mukha ay napalitan ng saya. "Oh my! Really? Nasaan ang problem doon? You should be happy! Because I am!" Masayang sabi niya, ngunit nawala ang ngiti sa kaniyang labi ng makita ang reaksyon ko.

Kumunot agad ang kaniyang noo. "Eh bakit naman parang namatayan ka? Anong nangyari sa'yo?"

"N-Nakalimutan niya yata ang lahat, Matri." Parang may nakabara sa aking lalamunan nung sinabi ko 'yon sa kaniya.

"What?!" Hindi makapaniwalang sabi niya, napalakas 'yon kaya nagsitinginan ang mga tao sa canteen.

"Kanina. Titignan ko sana ang lagay niya. Papasok na sana ako sa kwarto niya, kaso nakita kong nagising siya, Matri. And you know what happened next?"

"Ano?"

"Tinanong lang naman niya kung sino si Beryl,"

"E, sino nga ba si Beryl?" Tanong niya. Napailing ako.

"Matri, siya 'yung girlfriend ni Calli. Close na close sila. Kaya paanong makakalimutan niya si Beryl?"

"Did you heard Doc Cian's diagnosis about that?" Tanong niya.

Umiling ako. "H-Hindi pa. Pero alam kong ganoon na 'yon, Matri. Dahil unang-una, kaya matagal siya bago magising dahil sa tama niya sa ulo. Hindi imposibleng magka-amnesia siya."

"So wala pang confirmation ni Doc Cian?"

"W-Wala pa,"

The Engineer's Private NurseWhere stories live. Discover now