Chapter 3

6.8K 141 13
                                    

III- High school.

Raffa's POV

"Mama, kuya! Aalis na po ako!" Masaya kong paalam kila mama at kuya. Nakahawak ako sa strap ng aking bag at ready ng pumasok sa school. Nakaharap ako sa kanilang dalawa at naghihintay sa sasabihin nila.

Hinawakan ni mama ang kamay ko, naramdaman ko ang pera na inilagay niya doon. "Mag-iingat ka, Raffa. I-enjoy mo ang highschool life mo!"

Ngumiti ako ng matamis. "Salamat po dito mama. Mag-ingat ka po d'yan." Nakangiti siyang tumango sa sinasabi ko. Napalingon naman ako kay kuya na ngayon ay nakalahad na ang kamay sa akin.

Nagtataka ko siyang tinignan. "Bakit po, kuya?" Tanong ko sa kaniya. Ngumiti siya sa akin at itinuro ang bag ko.

"Akin na ang bag mo, dadalhin ko." Umiling ako sa kaniya at inilayo ang bag ko.

Tinatrato na naman ako ni kuya na parang bata. Hindi naman na ako bata e. First year highschool na nga ako, saka iisang taon lang naman ang agwat namin pero parang kung ituring niya ako ay sanggol.

Napanguso na lang ako ng sapilitan na kuhanin ni kuya ang bag ko at isinukbit sa isa niyang balikat. Dala na nga niya ang sariling bag pagtapos bubuhatin pa ang sa akin, parang hindi naman patas 'yon para sa kaniya.

"Kuya, okay lang. Ako na ang magdadala niyan." Ramdam ko ang pag-akbay niya sa akin.

"Okay lang, baby sis. Kaya ni kuya ang dalawang bag." Ayun na naman siya sa baby sister na pagtawag niya sa akin.

Sobrang bait at sweet ni kuya pero nakakahiya dahil tinuturing niya akong baby.

"Bye 'ma, aalis na po kami ni Raffa." Paalam pa ni kuya kay mama kahit nakatalikod na kami.

Nadinig ko ang pagtawa ni mama. "Sige, ingatan mo 'yan Aven ha?"

"Syempre naman, mama. Baby ko 'to e." Napakagat ako sa labi ng marinig 'yon, sobrang lambing at sincere ang paraan ng pagkakasabi niya.

Naglakad lang kami ni kuya dahil malapit lang naman ang school namin mula sa bahay. Walking distance lang at masasayang ang aming pamasahe kapag nagtricycle pa kami. Nakaakbay pa rin sa akin si kuya. Medyo naiilang ako dahil sa mga tingin ng tao. Nami-misinterpret nila ang pag-akbay sa akin ni kuya.

"Rafflesia," Bigla ay tawag ni kuya sa akin.

"Bakit po, kuya?"

Ramdam ko ang paghinga niya ng malalim. "Highschool ka na, Raffa. Masaya ang highschool at talagang mararanasan mo ang mga hindi mo pa nararanasan. Sana naman Raffa.. hindi ka magboyfriend, okay?" Muli akong napanguso dahil sa ipinupunto ni kuya Aven.

"Kuya naman, wala pa po 'yon sa isip ko." Natawa siya dahil siguro sa paraan ng pagsasalita ko.

"Tama, hayaan mo muna na ako at si papa lang ang lalaki sa buhay mo." Nakangiti ngunit seryoso niyang sabi sa akin. Dahan-dahan akong tumango.

Namatay ang papa namin ni kuya Aven dahil inatake siya sa puso nung 7 years old pa lang ako. Kaya si kuya ang nagsisilbing tatay ko at siya na rin ang tumutulong kay mama sa pagtitinda ng kakanin tuwing hapon.

Naglakad kami habang sinasabi ni kuya ang lahat tungkol sa posibleng maging teacher ko ngayon na first year na ako. Magugulat na lang ako dahil bubulong siya sa akin kapag sisiraan niya ang teacher na 'yon. Lahat na yata ng tungkol sa mga teacher ng first year ay nasabi na niya ng makarating kami sa eskwelahan.

The Engineer's Private NurseWhere stories live. Discover now