Chapter 14

3K 79 5
                                    

XIV- Jogging

Raffa's POV

"Bakrt kaba kashi narndito ha?" Sabi ko habang nagto-toothbrush.

Naramdaman ko na sumandal si Harris sa pinto ng banyo dito sa aking kwarto. Rinig ko ang pagtawa niya kaya mas nainis ako.

Linggo ngayon at dapat ay mahaba ang oras ng pagtulog ko pero nagising ako ng 5:30 am dahil sa kaniya. Bigla na lang ako ginising ni mama. Akala ko nga ay nakalimutan lang niya na walang pasok ngayon pero pagbukas ko ng pinto, silang dalawa ni Harris ang bumungad sa akin.

"Magdya-jogging tayo." Napahinto ako sa pagto-tootbrush.

Jogging? Bakit kailangan kasama pa ako?

Huminga ako ng malalim at hinarap ang pinto, na para bang siya ang kaharap ko. "Teka nga muna, Emmanuel. Pwede kang mag-jogging mag-isa. Inaabala mo ang pagtulog ko e! Sayang 'yung isang araw na matagal sana akong natulog." Inis na sabi ko at mas nainis pa nung narinig ko siyang tumawa. Nakakainis talaga!

"Ayaw mo ba na maging healthy, Angel? Mabuti sa katawan ang pag-e-exercise tapos 'yung araw sa umaga healthy," nang-aasar na sabi niya.

Ibinalik ko na lang ang tingin ko sa salamin sa aking harapan. "Mananalo ba ako sa'yo? Sige na. Doon ka na sa kama maupo, huwag ka na d'yan sa pinto. Maliligo na ako." Utos ko.

Dinig ko ang mga yapak niya palayo. Siguro ay umupo na doon sa kama ko. Napabuntong hininga na lang ako at nagsimulang maligo. Medyo binilisan ko dahil ayaw ko na mapaghintay siya ng matagal, nakakahiya naman sa kaniya.

Bakit kaya naisipan niya akong isama? Saan kami magjo-jogging?

Nang matapos akong maligo ay magpupunas na sana ako pero 'yung tuwalya naiwanan ko sa kama, kasama ng mga damit ko. Dahil sa gulat ko na nandito si Harris sa bahay, hindi ko 'yon nadala.

Anong gagawin ko? Nakakainis naman! Bakit ngayon pa?

Nakakahiya kung tatawagin ko siya. Pero, paano ako lalabas?

Bahala na nga.

Kinatok ko 'yung pinto. "Uhm.. pwede ba na.. pakuha nung hanger na may tuwalya at.. damit ko sa kama?" Medyo malakas na sigaw ko, para marinig niya.

Nakakahiya!

"Hala, bakit mo nga ba kinalimutan 'tong mga damit mo? Ito na oh,"

Pumikit ako at binuksan ang pinto. Nasa gilid ako no'n para hindi niya makita ang aking katawan, kamay lang ang inilabas ko. Nakahinga ako ng maluwag ng matanggap 'yon.

Bakit ba kasi hindi ko agad naisip na wala akong damit na dala pagpasok dito sa cr. Nakakahiya!

Mabilis akong nagbihis saka pinasadahan ng tingin ang sarili. Naka-jogging pants at white t-shirt ako. Lumabas ako pagkatapos na makuntento sa aking ayos.

"Mukhang mas prepared ka pa yata sa 'kin, 'yan ba ang ayaw mag-jogging?" Nang-aasar niyang tanong. Lumapit na lang ako sa side table at kinuha ang ponytail. Tatalian ko ang buhok ko mamaya kapag tuyo na.

Kompleto na. "Kumain ka na ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Konti lang. Ikaw, kumain ka muna pero konti lang ah? Sasakit kasi ang tiyan mo kapag tumakbo ka ng busog," Hindi siya nakatingin sa akin. Nandoon ang kaniyang paningin sa photo album.

Teka, akin 'yon ah?

Mabilis ko 'yong kinuha sa kaniya 'yon at bahagyang pinalo ang kamay niya. "Hindi ka nagpapaalam," inis na sabi ko.

The Engineer's Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon