Chapter 7

4.3K 105 15
                                    

VII- Coffee shop

Raffa's POV

"All settled. Pwede na kayong magsi-uwi," Sabi sa aming lahat ni ma'am principal. Nagsitayuan sila Callidon, Harren at Harris ngunit ako ay nakaupo pa rin.

Hindi ko alam kung ano ang aking gagawin. Ang daming pumapasok sa aking isipan na naging dahilan kung bakit hindi ako makakilos ng tama.

Naipa-blotter na 'yung lalaking nanghipo sa akin at maaring makulong siya ng isang buwan ngunit kailangan muna itong dalhin sa hospital para magamot ang mga sugat sa kaniyang mukha dahil sa mga suntok ni Harris.

Nakahinga ako ng maluwag dahil doon. Ngunit ang katotohanan na nahawakan pa rin ang maselan na parte ng aking katawan ay hindi ko na makakalimutan pa. Nakatatak na sa aking isipan 'yon at hindi ko alam kung paano kakalimutan ang takot at kaba na idinulot sa akin ng nangyari. Napakasaglit lang ang inilagi ng kaniyang kamay ngunit nakatatak na iyon sa parte ng katawan ko.

"Thank you, ma'am." Nanumbalik ang aking atensyon kay Harren na nakikipagkamay ngayon sa aming principal bilang pasasalamat.

Lumingon si ma'am principal kay Harris. "Sana hindi na ito maulit, Mr. Lozan. Maari mo siyang sawayin sa mahinahon na paraan. Hindi ko na itutuloy ang suspension mo dahil alam ko na nagawa mo 'yun dahil ginalaw nung lalaki ang taong gusto mo." Nakangiting sabi ni ma'am principal.

Hindi ako nagkamali ng dinig, pati si ma'am principal ay narinig ang mga salita na sinabi ni Harris.

Napatingin ako kay Harris na ngayon ay wala sa kaniyang sarili na tumango kay ma'am principal. Mukhang hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito at tumango na lamang.

Gusto kong malaman kung bakit mo 'yon nasabi, Harris. Gusto kong malaman kung totoo ba ang lahat ng iyon.

"Raffa, tumayo ka na. Pupunta tayo sa clinic," Lumingon ako kay Harren na siyang kumausap sa akin.

"Clinic? Bakit?"

Ngumiti siya sa akin kaya lumabas ang kaniyang dimples. "Oo. Malakas kasi sumuntok 'yang kakambal ko kaya kailangan nating ipalinis at ipagamot 'yung kamay niya," Napakamahinahon niyang magsalita.

Napangiti muli ako, mabait talaga silang dalawa ni Harris. Ngunit agad nawala ang ngiti ko ng biglang napahawak sa akin si Harren ngunit agad din niya akong binitawan.

"Aray! Bakit ba naninipa ka?!" Galit na sabi nito kay Harris na siyang nanipa sa kaniya.

"Wrong move. Nahawakan mo pa siya. Tara na nga!" Nangunang lumabas sa amin si Harris.

"Sumunod na kayong dalawa ha?" Tumango na lang ako kay Callidon. Ngumiti siya sa akin na halos hindi na makita ang mga mata niya saka lumabas na ng office para sundan si Harris.

"Ayos ka na ba, Raffa?" Tanong ni Harren sa akin.

"Uhm.." Hindi ko alam kung paano siya sasagutin dahil sa tuwing may nagpapaalala sa akin nung nangyari ay bumabalik sa ala-ala ko ang pagkakahawak nung lalaki at muli akong matatakot.

Tinapik ako ni Harren sa balikat. "Sorry napaalala ko pa yata. Huwag ka ng mag-alala. May watcher ka palagi kaya hindi ka mapapahamak. Overtime na naman kasi kami kanina kaya hindi ka agad niya nasundan, nahawakan ka pa tuloy." Nakangiting sabi niya.

The Engineer's Private NurseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon