Chapter 23

268 11 2
                                    


"You ready, guys? Tatawagin na kayo in a few minutes."

Tiningnan ko ang repleksyon ni ate Laine sa salamin. Tapos na akong ayusan ngunit nandito pa rin ako sa harap ng salamin. Si Nathan naman ay inaayos ang kaniyang long sleeve. Tinutupi niya ito hanggang siko.

"Labas na ako. Mag-ready na kayo, okay?"

"Sige, ate." Tugon ko.

Si Nathan naman ay tumango lang. Abala pa rin sa kaniyang suot. Huminga ako ng malalim at tumayo para makalapit sa kaniya. Si ate Laine ay tuluyan na ngang lumabas.

"Akin na," ani ko at kinuha ang kaniyang kamay.

Hinawakan ko ang braso niya at halata naman sa mukha niya ang gulat.

"Nasaan ba yung stylist mo? Hindi ba dapat inaayusan ka niya ngayon?" Utas ko habang tinutupi ang kaniyang long sleeve.

"Pinaalis ko na. Kaya ko naman na 'to kaya hindi na kailangan ng tulong, Chloe." Sagot niya. "Come on, I can do that."

Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy lang sa ginagawa hanggang sa maayos ko ito.

"Ayan, okay na!" Anunsyo ko at binitawan na siya.

"Thank you," he said as we look at each other. Ngumiti naman ako sa kaniya.

"You're so pretty, Chloe." He said softly.

"You're so handsome too, Nathan." I said and smiled sweetly.

He smiled back. "Let's go now? Tinatawag na yata tayo,"

I chuckled a bit. "Okay, let's go..."

May interview kami ngayon sa isang tv show. We accept their offer para na rin mai-promote namin yung short film na ginawa namin. Bukas na 'yon ilalabas, e.

"So, how's the both of you? Batiin n'yo naman yung mga fans ninyo." Ani ng host.

"Hi to all Chloenatics and Chloelicious! Hope you are watching right now, guys." I said and smile.

"Hello, guys. Thanks for the support," ani naman ni Nathan habang nakaharap rin sa camera.

Naghiyawan naman ang mga audience.

"So, guys you are here to invite your fans to watch your short film, right?"

"Uh, yes." I answered.

"Before you invite them to watch, can you please tell us first kung tungkol saan ang short film na ito?"

"We're lovers here, but in the middle of the story makikipaghiwalay siya sa akin. And makikita n'yo naman sa teaser na may sakit siya kaya niya ginagawa iyon. Pinapalayo niya ako sa kanya habang maaga pa at hindi pa nalalaman nung character ko na may sakit siya." Seryoso kong sagot.

"Yes, napanood na namin iyong teaser! And kahit patikim pa lang iyon masasabi kong sobrang ganda ng kwento. Parang marami yatang luha ang ibubuhos namin." Sabay tawa nung host.

Mahina rin akong natawa sa sinabi niya.

"Hindi lang naman kayo iiyak. For sure kikiligin din kayo." Ani ni Nathan na siyang naging dahilan ng paghiyaw ng mga tao sa studio.

"Ngayon pa nga lang kinikilig na ang mga fans ninyo oh," ngiti ng host.

Lalo namang lumakas ang mga sigaw nila.

"We love you, Chloe and Nathan!"

"Support namin kayo!"

"Come back aaahhh!"

Halos sabay naming hinanap ni Nathan sa audience ang huling sumigaw.

"Come back! Come back!"

"Don't pressure them, guys. Hintayin lang natin, magkakabalikan rin silang dalawa. Hindi ba, Chloe? Nathan?"

A Fan Girl's RevengeWhere stories live. Discover now