Chapter 11

552 18 0
                                    


Chloe's POV
       Minsan, akala mo okay ka na. Akala mo nakalimutan mo na yung sakit. Pero kapag nakita mo na ulit yung taong dahilan ng sakit na 'yon, mararamdaman mo pa rin yung hapdi. At sa huli, matatanto mo na naroon pa rin pala yung sugat na akala mo ay naghilom na.

"Miss Chloe, kumusta ang flight mo?" Tanong ng isa sa mga reporter na nasa harap namin ngayon.

Nandito kami ngayon sa Airport at kabababa lang sa eroplano. Bukas gaganapin ang photo shoot na kasama ko si Nathan. Kanina naman kami umalis ng pilipinas ni ate Laine para makapaghanda pa ngayong gabi.

Sa pagbaba pa lang namin ay marami na agad mga reporters ang sumalubong sa amin. I expected this though.

"It's good naman." Simple kong sagot.

"Miss Chloe, totoo bang si Nathan ang makakasama mo sa photo shoot na ito?"

"Anong reaksyon mo nung nalaman mo na siya ang partner mo rito?"

"Pumayag ka, ibig sabihin ba ayos lang sa 'yo na makasama siya sa trabaho? Hindi ka ba maillang?"

Bahagya akong natawa sa huling tanong ng isang babaeng reporter.

"Why would I?" I asked back. "Wala namang rason para mailang ako sa kaniya."

"Hindi po ba ito ang unang pagkakataon na magkakasama kayo sa trabaho simula nung naghiwalay kayo?"

"Ngayon lang ba ulit kayo magkikita pagkatapos ng paghihiwalay ninyo noon, Miss Chloe?"

"Pasensya na, pero kailangan na namin umalis–"

"It's okay, ate Laine." Pigil ko kay ate Laine na maglalakad na sana ulit. "I'll answer all their questions."

Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata ni ate Laine ngunit sa huli ay tumango rin. Humarap ako sa camera.

"You are all right. Ito nga ang unang pagkakataon na magkakasama kami ni Nathan sa isang project." I said. "Ito rin ang unang pagkakataon na magkikita kaming muli after we broke up. Wala naman na kasing dahilan para magkita pa kami. After the presscon years ago... hindi na ulit kami nagkita."

"Anong naramdaman mo, Miss Chloe, noong nalaman mong siya ang makakasama mo sa photo shoot na ito?"

"At first, I was shocked of course. I mean... You know, he's just my idol way back but now, makakasama ko na siya mismo sa isang project. I am really glad nung nalaman ko 'yon." Tugon ko.

"Talaga nga sigurong napaka swerte mo bilang fan niya, Miss Chloe."

Ngumiti ako sa nagsabi no'n. Siguro nga...

"Miss Chloe, hindi ka ba kinakabahan sa muli ninyong pagkikita ngayon?"

I turned to that reporter.

"I think, I am." I smirked. "But it's not because lf what you think." Humalakhak ako. "I'm a bit nervous to work with him. Magaling na artista at modelo si Nathan. Hindi ko alam kung masasabayan ko ba ang galing niya."

"Magaling ka rin naman, Miss Chloe! Siguradong kaya mo 'yan."

Ngumisi ako sa lalaking reporter na nagsabi noon at tumango.

"Thanks for that. I think hindi na ako kinakabahan ngayon. May confident na ako."

"Chloe, let's go..." Ate Laine whispered on my ear.

"We'll go now, guys. Thank you so much."

Nginitian ko pa ulit sila bago umalis doon at nagpatuloy sa paglalakad.

"Naroon na raw si Nathan..." Sambit ni ate Laine ng sumakay na kami sa Van para makapunta sa Resort kung saan gaganapin ang photo shoot.

"Really? Okay..." Sagot ko at nagpatuloy sa pagce-cellphone.

A Fan Girl's RevengeWhere stories live. Discover now