Chapter 36

362 10 3
                                    


They said, "Being a fan girl is not easy, because you can be his fan but you will never be his girl." That's true, though. But I was lucky because my idol once loved me. Not just as a fan but as his girl. Napaka suwerte ko dahil napansin niya ako. Nabigyan ako ng pagkakataon na mahalin siya bilang girlfriend niya at hindi lang bilang isang taga-hanga niya.

Pero ang tanga ko... Ang tanga ko dahil sinayang ko ang pagkakataon na iyon. I mean, he loved me... He left me too four years ago, but there is a reason for that. I understand his reasons. Pinatawad ko siya. Pinapatawad ko na siya. Pero noong nagkaroon ulit ng ikalawang pagkakataon para sa aming dalawa ay binalewala ko iyon. Sinayang ko iyon. Kaya ngayon, sa palagay ko ay babalik ulit ako sa dati. Mula sa malayo ay susuportahan ko siya. Magiging isang taga-hanga na lang niyang muli ako.

"Hello, Chloe? Napatawag ka?" Ate Laine asked as she answered my call.

"Chloe? What's wrong?" Tanong niya nang hindi ako nagsalita.

Huminga ako ng malalim bago nagpasiya na kausapin siya.

"Ate Laine..."

Sinubukan kong hindi manginig ang boses ko ngunit nanginig pa rin ito.

"Chloe... Bakit? May nangyari ba? Are you okay?" Sunod-sunod niyang tanong.

"I-I'm fine..."

I heard her sighed.

"Are you sure?"

"Thank you for everything, ate..." Utas ko, binalewala ang tanong niya.

"Thank you for being the best manager... Thank you for always protecting me from my bashers. L-love you, ate Laine. Ikaw ang dahilan kung bakit narating ko ang mga narating ko ngayon. T-thank you..."

"Chloe, ano bang sinasabi mo–"

"Sobrang nagpapasalamat po ako sa lahat ng ginawa mo para sa akin, ate. Salamat... Sa lahat..."

"Ano ka ba! You don't have to thank me! Nagsikap ka, Chloe, kaya naabot mo ang mga pangarap mo. Ginamit mo ang talento mo kaya nakilala ka ng mga tao. Kaya minahal ka ng maraming tao. Ikaw ang dahilan ng lahat, okay?"

Tuluyan nang tumulo ang mga luha ko dahil sa mga sinabi niya. Dammit, ate Laine. Why do you need to say that?!

"Chloe... Listen, okay?" She started. "Kung ano man ang pinagdadaanan mo ngayon, lahat ng iyan may dahilan. Lahat ng 'yan pagsubok lang, okay? Chloe, magiging maayos din ang lahat. Babalik rin sa dati ang lahat–"

"Hindi na siguro, ate." I cut her off. "Hindi na siguro... Pagod na po ako. Ayoko na–"

"Chloe, what are you saying?!" Halos pasigaw na niyang sabi. "Anong sinabi ko sa iyo noon? Ano man ang problemang dumating sabay nating haharapin, hindi ba? Sabay nating lalabanan at hindi natin basta susukuan? Chloe, hindi tayo puwedeng sumuko. Hindi ka puwedeng sumuko..."

Pinalis ko ang panibagong luhang tumulo sa pisngi ko. Hinang-hina na ako. Tila wala na akong ganang gumalaw pa.

"Ate... Ibababa ko na..." Sambit ko.

"Huh?"

"Ibababa ko na, ate. Hindi ko na k-kaya..."

"Are you okay? Chloe, come on! I'll go there–"

"No..." I said. "Don't, ate... Just stay there, please. I-I'll hang up the call. Thank you... for everything," I said as I ended the call quickly.


Drae's POV
        Friendship is very important to me. Para sa akin ay mas mahalaga ito sa ano mang bagay. Alam kong nagkagusto ako noon kay Chloe na matalik kong kaibigan. And I hated myself for loving her. I mean, I'm hating myself because she's my best friend but I let myself fell in love with her. Hindi dapat ganoon. Hindi dapat nangyari 'yon ngunit sabi nga nila, kapag ang puso na ang tumbok para sa isang tao ay hindi mo na ito mapipigilan pa.

A Fan Girl's RevengeWhere stories live. Discover now