Chapter 19

286 12 1
                                    

"Hello, Mon? Napatawag ka?" Tanong ko ng tumawag si Mon ng alas sais ng umaga.

Wala akong taping ngayon. It's my rest day today.

"Chloe! Buksan mo yung tv dali!"

"Huh? Bakit? Anong meron-"

"Just open your damn tv!"

Kumunot ang noo ko dahil sa mura niya. Wala na akong nagawa kundi bumangon sa kama at buksan ang tv sa kwarto ko.

Lalong kumunot ang noo ko nang nakita ko ang kung anong nasa balita ngayon. Sinong kumuha ng litratong iyan? Fuck.

"Usap-usapan nga ngayon sina Chloe at Nathan dahil sa litratong ito. Medyo malayo ang kuha ngunit kahit na ganoon ay makikita naman natin na tila nga silang dalawa ang nasa litrato. Iyon din ang sabi ng kanilang mga fans, na sila nga raw ang nasa litrato na naghahalikan." Ani ng reporter sa tv habang pinapakita ang hindi kalayuan na litrato namin ni Nathan.

"Care to explain? Bakit may ganyan, Chloe?!" Si Mon sa kabilang linya.

Hindi ko siya sinagot at nanatili ang tingin ko sa tv.

"Ano nga ba ang nasa likod ng picture na ito? Nagkabalikan na nga ba ulit sila?"

Nagkabalikan your face. Damn.

"Chloe, nagkabalikan kayo?" Sambit ni Mon.

"What? Of course not, Mon! What are you talking!"

"Pero bakit-"

"Wait. Si Nathan pinapakita," utas ko ng pinakita si Nathan sa tv.

Bakit ang bilis naman yata nilang mapuntahan at matanong si Nathan? Kailan pa ba kalat yung larawa na 'yon?

"Nathan, kayo nga ba ang nasa larawan na iyon? Anong nasa likod n'yan? Bakit kayo naghahalikan?"

"Naghahalikan? Siya lang itong humalik sa akin! I didn't kissed him back! Dammit!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko.

"Tama kayo. Kami nga iyong nasa litrato," mabilis na pag-amin ng bwisit na si Nathan!

Damn him! Bakit siya umamin na kami iyon? Medyo malayo naman ang kuha! Puwedeng itanggi na kami nga 'yon!

"Kung ganoon matagal na ba ulit kayong nagde-date? O nagkabalikan na ba ulit kayo at pinili n'yong gawing private na lang?"

"No... Hindi kami nagkabalikan. And about that kiss... I am the one who insisted it. Not her,"

Buti naman at inamin niya iyan.

"Matagal na kayong nagde-date na dalawa? Kung ganoon, paano si Tracy? Hindi ba ay enggage ka sa kaniya?"

Damn right. Muntik ko nang makalimutan na ikakasal nga pala siya kay Tracy. Tapos eto ako at nagpaplano na akitin siyang muli.

"No. It's not a date. We're just having a dinner. We're just friends too,"

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nanghina nang marinig ang sagot niyang iyon. Chloe, umayos ka, please.

"So, no feelings involve? Si Tracy pa rin ang mahal mo-"

Marahas kong pinindot ang remote upang patayin ang tv. Hindi ko na kailangang marinig at mapanood ang usapan nilang iyon.

"Chloe, totoo ba? Madalas kayong mag-dinner ni Nathan?" Tanong ni Mon na nasa kabilang linya pa rin.

"Oo..." Tamad kong sagot.

"Fuck. Bakit?"

"Like what he said, we're friends now, Mon. And it's just a fucking dinner. Nothing more,"

A Fan Girl's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon