Chapter 8

534 17 0
                                    


Nakaupo ako sa couch habang tamad na umiinom ng wine mag-isa. Tapos na akong mag-dinner at nag-pasiya ako na muna rito habang hindi pa inaantok. Bukas ang tv at tama lang ang volume nito.

I turned my phone when it beeped. Kinuha ko ito at tiningnan. Binasa ko ang text na galing kay ate Joan.

Ate Joan:
     Chloe, please don't back out. This is a big opportunity for you. Sayang naman.

Nung sinabi niya kanina na si ang lalaking iyon ang makakasama ko, agad akong nagpaalam sa kaniya para patayin ang tawag. How come na si Nathan ang makakasama ko sa malaking event na iyon? Damn!

Muling tumunog ang cellphone ko para sa panibago niyang mensahe.

Ate Joan:
     You already signed the contract, anyway. You can't back out now, Chloe.

A new message pop up on my phone again.

Ate Joan:
    Do you... still love him, Chloe? Bakit parang apektado ka pa rin? Sabi mo sa akin nakalimutan mo na siya, hindi ba?

I closed my eyes tightly. Fuck.

Madiin ang pag-type ko ng mensahe para sa kaniya.

Ako:
   I'm not, ate. I told you, I've moved on. And don't worry, I'm not going to back out.

She replied immediately.

Ate Joan:
   Really?

Tss...

Ako:
   Really...

"Narito ang NaCy at si Bryle upang sagutin ang ilang katanungan natin tungkol sa nalalapit nilang movie.."

Nag-angat ako ng tingin sa tv ng narinig ko iyon. Pinakita silang tatlo sa screen kasama ang isang reporter. Black screening yata ng movie nila. They're wearing a formal attire.

"So, can you give us a hint kung anong kuwento ng bago ninyong pelikula?" The reporter asked.

"Tungkol ito sa dalawang magkapatid na matagal hindi nagkita. Magfofocus sa family yung movie namin ngayon." Sagot ni Nathan.

"Oh? So, it's not the typical love story gaya ng palagi ninyong movie ni Tracy?"

Bahagyang tumawa si Tracy sa sinabi ng reporter.

"Uh, no. Si Bryle at Nathan ang main character sa kuwento, guys."

"Invite them now to watch your movie, Bryle. I'm sure your fans are excited to watch this."

Tumango si Bryle at tumingin sa camera.

"Please watch our movie, The Brothers, showing siya next week, guys. Kasama ko rito ang Nacy," inilahad niya sina Tracy at Nathan na nasa tabi niya. "At marami pang bigating artista ang makakasama namin dito."

"Sana po suportahan ninyo. Promise, you're not going to regret after watching our movie." Saad naman ni Tracy.

So... Iyan yung movie na gustong panoorin ni Mon with me, huh?

"Maiba naman tayo Tracy, marami kasing NaCy fans ang nag-aabang talaga sa inyo ni Nathan. So, how's the enggagement? Kailan nga ba kayo magpapakasal?"

"Oh... Uh... Actually, pinag-usapan na ulit namin 'yan ni Nathan kaya lang busy talaga kami sa trabaho kaya wala pang exact date." She smiled.

Si Nathan naman ay madilim lang na nakatingin sa kaniya.

"Kung ganoon hihintayin namin na sabihin n'yo kung kailan ang kasal, huh! Your fans are very excited for that."

"Yes..." Nakangiting tumango si Tracy.

Kinuha ko yung remote saka pinatay ang tv.

Hindi ko alam kung ano na ang gagawin ko. I don't want to see him. I don't want to talk to him. I just want to avoid him kaya nga ayaw kong tanggapin yung tulong na sinasabi ni Jarence. But dammit! How can I do that if he's going to be my partner sa photo shoot next month? Fuck.

A Fan Girl's RevengeWhere stories live. Discover now