Chapter 31

281 7 0
                                    

Ang hirap maipit sa isang sitwasyon na ayaw mong maganap, ngunit wala kang choice kung hindi gawin ito. Kung hindi sundin kung ano ang gustong mangyari ng tadhana...

Walang sino man ang nakakaalam kung anong mangyayari kinabukasan. Dahil walang kasiguraduhan ang hinaharap. Hindi natin alam kung anong susunod na mangyayari. Hindi rin natin alam... kung ano na ang mararamdaman natin sa paglipas ng mga araw...

"So, ano? Kaya mo naman ang ipapagawa ko sa iyo 'di ba?"

Nakatitig lang ako kay Rence habang nagsasalita siya. He invited me to have a dinner with him today, because he said that he's going to tell me something.

Hindi ko alam kung bakit kahit hindi ko pa naririnig ang plano niya ay kinakabahan na ako. Tila tambol ang aking puso sa sobrang lakas ng kabog nito.

"Chloe..." Tawag niya sa akin.

"Hmm?" Walang gana kong tugon.

Kunot noo naman niya akong tinitigan.

"Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko?"

Napakurap kurap ako sa tanong niya. Shit. Halata bang hindi ko siya pinapakinggan?

"You seem to be out of your mind," dagdag niya pa.

"Huh? N-nakikinig naman ako, Rence." Sabi niya.

His eyebrow shut up. "Really? Bakit parang the whole time na nagsasalita ako, nakatitig ka lang sa akin?" Aniya at humalakhak.

Damn, Rence. Why are you like that...

"Oh? Bakit naman ang seryoso mo yata?" Aniya ng napansin na hindi man lang ako ngumiti sa sinabi niya.

"Huh? Hindi naman, ah?" Utas ko at marahan na ring humalakhak.

He then smiled. Pero kahit na nakangiti siya ay tila ba may iba siyang ipinapahiwatig dito... He looked at me intimately.

"You really looked serious..." He said. "Are you scared, Chloe?"

"What? B-bakit naman ako m-matatakot? At s-saan?"

Nagkibit balikat siya. "I don't know? I just think you are scared..."

"Ano ka ba, Rence! Anong pinagsasabi mo riyan? Baliw ka na!" Tawa ko para matakpan ang awkwardness na nararamdaman.

Ngumiti naman siya at tumango.

"Right... Wala ka nga palang kinatatakutan. Ultimo career mo nga isinugal mo para sa plano natin 'di ba?"

"Huh?" I asked nervously.

"You said it, right? Na kapag hindi ka tumupad sa usapan ay aalis ka sa showbiz? You are quitting, Chloe. That's what you said."

Marahan kong kinagat ang aking labi. Shit. Why am I almost forget that I said that? Trabaho ko nga pala ang isinugal ko!

"Why? Nakalimutan mo na ba yung sinabi mo na 'yon?" He asked and chuckled a bit.

"O-of course not!" Chloe, umayos ka! Hindi niya pwedeng mahalata na kinakabahan ka!

"I-I'll still do that, Rence. K-kapag hindi ako tumupad sa usapan... Sa plano..."

He looked at me intently as he licked his lower lip. I looked away.

Why do I have a feeling that he's going to hit me when I don't follow our plan?

"Okay..."

Muli akong nag-angat ng tingin sa kaniya.

"Okay..." Ulit niya at tumango. "Naaalala mo pa naman pala,"

A Fan Girl's RevengeWhere stories live. Discover now