Chapter 17

336 10 0
                                    


Lahat ng bagay may dahilan. Hindi puwedeng gagawin mo lang ang isang bagay dahil gusto mo. Lahat ng ikinikilos mo may rason.

Kasama ko ngayon si Drae. Nagpunta ako sa restaurant niya pagkatapos ng taping ko kanina. Kasama ko si ate Laine kanina, pero may aasikasuhin pa raw siya kaya hindi na siya sumana rito sa akin sa restaurant.

"Done!" Sigaw ko ng naubos ko iyong noodle soup na niluto ni Drae for me. It's his own recipe daw kaya pinatikim niya talaga sa akin. "Ang sarap! The best ka talaga, Drae!" Malaki ang ngisi ko habang sinasabi iyon.

"Ako lang 'to, Chloe." He chuckled.

"Sus! Yabang naman!" Tawa ko rin.

Bumaba ang tingin ko sa cellphone kong nasa table nang nag-vibrate ito. Nag-text si Jarence...

Kinuha ko ang cellphone ko at binasa ang mensahe galing sa kaniya.

Jarence:
      Chloe, I made something for you.

My forehead furrowed as I typed my reply to him.

Ako:
    Ano naman iyon?

Binaba ko ang phone ko pagka-send ko ng message sa kaniya at muling bumaling kay Drae.

"Next time turuan mo akong magluto nito, huh?" I said to Drae. Ngumisi naman siya.

"Recipe ko 'yan tas ituturo sa 'yo? Parang hindi naman tama 'yon, Chloe." He smirked.

"What? Paano hindi naging tama? Tuturuan mo lang naman ako! Para nga kapag gusto kong kumain nito, kaya kong magluto kahit wala ka!"

Muli siyang natawa sa sinabi ko.

"Ayoko. Baka mamaya agawin mo pa recipe ko, eh."

"What?" Natatawa kong tanong.

"Baka 'pag natutunan mong lutuin 'yan, ipagkalat mo pa tas sabihin mo sa mga fans mo na ikaw ang original na nakaisip ng recipe ko. Anong laban ko 'pag nagkataon na nangyari iyon? Dami mo pa namang fans," humalakhak siya, kaya naman hindi ko na napigilan at hinampas ko na ang kaniyang braso.

"You're crazy! Kung anu-ano naiisip mo!" Irap ko.

Hindi naman naalis ang ngisi sa mukha niya kahit na hinampas ko pa.

"Oh? Bakit? Kapag nangyari iyon baka dumugin ako ng fans mo 'pag pinaglaban ko na akin ang recipe na iyon–"

Natigil siya sa pagsasalita ng muling nag-vibrate ang phone ko. Nagkatinginan kami bago parehong bumaba ang tingin namin doon. Kinuha ko iyon nang nakitang si Jarence ulit ang nag-text.

Jarence:
       We have a deal, right? And you want me to believe you na hindi ka aatras sa plano? So, may naisip akong gawin para hindi ka na masyadong mahirapan sa gagawin natin.

Kunot noo muli akong nagtipa ng mensahe para sa kaniya.

Ako:
     Ano nga iyon? Spill it, Rence.

Mabilis naman siyang nagreply. Mas lalong kumunot ang noo ko nang binasa ko ang reply niya.

"The fuck?"

"Why? What's wrong?" Tanong ni Drae dahil napalakas yata ang sinabi ko.

I turned to him.

"N-nothing–"

My phone beeped again for another text.

Jarence:
      Iyan ang buong plano, Chloe. Kapag nagawa mo na 'yan lahat, sigurado akong masasaktan na ng sobra si Nathan.

Mabilis kong dinial ang numero upang mas makausap siya ng maayos. Mabuti naman at sinagot niya rin agad.

"You recieved my text? Nabasa mo na–"

A Fan Girl's RevengeWhere stories live. Discover now