Chapter 3

776 22 4
                                    

Ngayong araw ay kasama ko ang isang sikat na direktor na di Direk Kris at si ate Laine. Pag-uusapan namin ang unang movie ko dito sa bansa. Sinabi sa akin kanina ni ate Laine na may love team daw ako rito. Nabasa ko naman na yung script pero wala pa akong ideya kung sino ang magiging partner ko.

Sa ngayon ay hinihintay pq namin na dumating siya.

"Nabasa mo na ba yung script, Chloe?"

Bumaling ako kay direk at tumango.

"Tinapos ko kagabi. Okay naman siya. Maganda yung kuwento."

"Oh? Natapos mo lahat kagabi?"

Natawa ako sa reaksiyon niya dahil parang gulat na gulat siya.

"Yes, direk. And I memorized it all."

"That's great! Bihira ang mga nahahawakan kong artista na nakakabisado agad
lahat ng scripts nila. You are really great, Chloe." She smiled.

I smiled back.

"Thanks, direk. And I think kayang-kaya kong gawin ang mga nakalagay sa script." I proudly said.

"Yeah. Kaya nga ikaw ang kinuha ko dahil alam kong magaling ka talagang artista."

Uminit naman ang pisngi ko sa sinabi niya. I'm not really that great. Natuto lang naman ako dahil sa mga workshop na sinalihan ko nung nag-uumpisa pa lang ako.

"Nandito na sila, direk!" Masayang sambit nung isang staff.

Nag-angat naman ako ng tingin at nakita kong papasok na nga sila.

"Is that Jarence Manahan?" I whispered to ate Laine who's sitting beside me.

"Oh... Oo nga." Sagot niya na tila ba nabigla rin sa nakita.

Sabay kaming tumayo ni ate Laine ng makalapit sila ng manager niya.

"Sorry, we're late. Naabutan kami ng traffic." Ani ng kaniyang manager.

"It's okay, medyo kararating lang naman nila." Si Direk. "Anyway, let's start."

Umupo na ulit kaming lahat. Nasa harap ko si Jarence at ewan ko ba pero hindi ko gusto ang mga tingin niya. Yung tingin niya, tila ba inoobserbahan niya ako.

"Chloe, this is Jarence. He's your loveteam from now on."

Tumango lang ako kay direk.

"Jarence, this is Chloe De Guzman. Ahm, may ideya naman siguro kayo tungkol sa isa't-isa, 'di ba?"

Natatandaan kong kasabayan siya ni Nathan na mag-artista dati. Hindi ko nga lang alam kung bakit bigla siyang nawala. This past two years ko na lang ulit siya nakitang lumabas sa tv. And I didn't expect na siya pala ang makaka trabaho ko ngayon. Loveteam pa, huh?

"Yup. I know him." I answered.

"I know her too." His voice is manly. Guwapo rin siya, maputi at medyo matangkad ng konti sa akin. I like his eyes. Maganda ang kulay nito.

"That's good then. Kapag pumatok sa tao ang movie na gagawin natin ay baka tuluyan na nga kayong maging magka trabaho."

"Sigurado akong papatok 'yan. Ngayon palang parang nakikita ko ng may chemistry kami ni Chloe, eh." He winked at me.

Humalakhak naman ako sa ginawa niya.

"You're right. Sigurado rin akong papatok 'to sa mga tao." I smirked.

Ngumisi siya sa akin pabalik. Inumpisahan naman na ni direk na sabihin ang mga detalye tungkol sa movie.

"Bukas sisimulan agad natin ang shooting. I'll text you both the venue. Pero next week ay kailangan ninyong maghanda para sa pagpunta natin ng Palawan."

A Fan Girl's RevengeOù les histoires vivent. Découvrez maintenant