Chapter 34

289 8 8
                                    


People change because of pain. It makes them trust less. Overthink more. And sometimes, hurt others too.

Bryle's POV
Nagbubulungan ang mga tao nang marinig kay Tracy iyong tungkol sa paghihiganti ni Chloe. Lalo nga lang lumakas ang mga bulungan ng audience ng pareho sila ni Nathan na umalis sa stage. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanilang dalawa. Sinubukan kong tawagan si Nathan ngunit hindi niya sinasagot ito.

"Hindi sinasagot ni Chloe ang tawag ko," ani Mon nang ibinaba niya ang kaniyang cellphone.

"Hindi rin sinasagot ni Nathan ang mga tawag ko sa kaniya." Sabi ko.

Bumuga siya ng hangin bago muling may pinindot sa kaniyang cellphone. Siguro ay susubukan ulit na tawagan si Chloe.

"I'm trying to call ate Laine. Baka magkasama na silang dalawa ngayon." Aniya.

I sighed and sat beside her.

"Hindi ba ito na-ikuwento sa 'yo ni Chloe, Nics?" Tanong ko.

Kanina pa kasi bumabagabag sa isil ko iyon. They are best friends, it's impossible that she doesn't know about that thing.

"Hindi, Bryle." Simple niyang sagot habang nasa kaniyang tainga pa rin ang cellphone.

I nodded.

"Hindi rin sinasagot ni ate Laine..." Dismayado niyang utas.

"Try to call Drae. Baka alam niya na kung nasaan si Chloe," suggestion ko.

Tumango naman siya at may pinindot nang muli sa kaniyang cellphone.

"Wala ka ba talagang ideya sa plano niyang maghiganti kay Nathan?" Tanong kong muli habang sinusubukan niyang tawagan si Drae.

"I don't have an idea, Bryle." She simply answered again.

Tumango ako at umiwas ng tingin. Tila imposible naman na hindi niya iyon alam.

"Hello, Drae? Finally, you answered!"

I turned to her again.

"Kumusta? Alam mo na ba kung nasaan si Chloe?" Tanong niya kay Drae.

"Ha? Hindi niya rin sinasagot ang mga tawag mo?"

"Oh, wait..." Utas niya bigla at may pinindot sa kaniyang cellphone bago niya ito nilapag sa hita niya. Ni-loud speaker niya yata kaya ganoon.

"Ano nga yung sinasabi mo, Drae? Hindi ko masyadong naintindihan kanina," Pagpapatuloy niya.

"I said I tried to stop her, Mon. Doon sa plano niya." Sabi ni Drae sa kabilang linya. "Noong una pa lang halata ko na sa kaniya na ayaw niya talagang gawin iyon. You know Chloe, Mon. She's kind... Hindi niya gustong manakit ng tao–"

"But then she still chose to have a deal with Jarence, right?" Singit ko.

Agad naman akong pinanlakihan ng mata ni Nica. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at bumaling na lang muli sa kaniyang cellphone.

"Nasaktan siya kaya niya nagawa 'yon." Tugon ni Drae sa aking sinabi. "I know that's not right, but can we blame her? Jarence is a manipulative person. He just manipulated Chloe. And Chloe was hurt by what Nathan did to her, so she agreed to what Jarence said."

"Sinasabi mo bang minanipula lang ni Jarence si Chloe? Kaya niya nagawa iyon?" Si Nica.

"Iyon ang naisip at napansin ko, Mon. Palaging sinasabi ni Chloe sa akin ang tungkol doon kaya alam ko... Siguro nung una plinano niya. Nila... Pero habang tumatagal ay sinabi niyang totoo nang may nararamdaman ulit siya para kay Nathan. Naipit lang siya sa sitwasyon..."

A Fan Girl's RevengeNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ