Chapter 20

346 9 3
                                    


Chloe's POV
        Sometimes, it suddenly comes to my mind that it is easier to forgive than to plant anger in your heart. Because when you forgive, you will feel better.

Halos isang linggo na simula noong kumalat ang larawan namin ni Nathan. At halos dalawang buwan na rin simula nung mag-usap ulit kami. Nakakatuwa dahil mukhang napapaniwala ko na nga siya. Madalas kaming magkita at mag-dinner ng magkasama. Nararamdaman ko na malapit na naming magawa ang mga plano namin ni Jarence. Pero hindi ko alam kung bakit minsan ang bigat ng pakiramdam ko.

Nilingon ko si Nathan na nagmamaneho ngayon. Pareho kaming walang shooting ngayon kaya nag-yaya siya na mamasyal raw kami. Hindi ko nga alam kung saan kami pupunta. Wala siyang sinabi basta raw mag-relax na lang muna ako rito. Sumulyap siya sa akin at ngumiti. I smiled back and he turned to the way again.

Muli naman akong bumaling sa cellphone ko. Tinitigan ko ang text sa akin ni Jarence noon. Iyong ginawa niyang list about our plans.

Jarence:
      A Fan girl's Revenge
  - Forgive him
  - Friends with him
relationship
  - Kiss him
  - Make him court you again
  - Make him your boyfriend again
  - Tell the world about your relationship
  - Embarass him to many people

Kanina ay muli kaming nag-usap ni Rence tungkol sa plano. He said na natutuwa raw siya dahil mukhang magiging maganda ang resulta ng plano namin.

"Basta, Chloe, sa concert mo siya ipapahiya." He said.

"Okay... Pero hindi ba next week na 'yon? Paano ko siya ipapahiya, Rence?"

"Hindi pa ba siya nanliligaw sa 'yo?" He asked.

I just shook my head.

"Just wait. Tingin ko naman malapit na siyang manligaw. Halos araw-araw na kayong lumalabas together, 'di ba?"

"Oo..."

"Kung ganoon, liligawan ka na no'n. Baka humahanap lang siya ng tiyempo,"

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Napansin niya naman iyon kaya pinagtaasan niya ako ng kilay.

"Bakit?" He asked.

"How are you so sure na liligawan niya nga ako?" I asked back.

Humalakhak naman siya.

"Chloe, lalaki rin ako. Alam ko kung kailan may nararamdaman ang isang lalaki sa babae. At hindi ka naman siguro yayayain ni Nathan na lumabas lagi ng walang dahilan, hindi ba?"

"I told him we're friends, Rence. Malay mo naman nakikipag-kaibigan lang talaga siya."

He chuckled again.

"Come on, Chloe. Alam kong alam mo na hindi lang pakikipag-kaibigan ang gusto niya. At isa pa, ex can't be friends..." He smirked.

Hindi na ako sumagot at tinitigan na lang siya. May tiwala naman ako sa kulupong na 'to kaya bahala na nga siya.

"Liligawan ka na niya. Nararamdaman ko..." He said while smirking.

I already did the three step of the plan he text me. At tingin ko malapit ko na ring magawa ang fourth step. Wala pang sinasabi si Nathan na manliligaw siya ngunit sa mga lumipas na araw na pagsasama namin ay nararamdaman kong malapit na nga siyang magtapat. Mukhang tama si Jarence...

"We're here..." Ani Nathan na dahilan ng pag-angat ng ulo ko.

"W-why are we here?" Nagtataka kong tanong habang tinatanaw kung nasaan kami ngayon.

Hindi niya ako sinagot. Ngumiti lang siya at tinanggal na ang seatbelts niya saka bumaba ng kotse. Nang makababa siya ay umikot naman siya para pagbuksan ako ng pinto.

A Fan Girl's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon