Chapter 26

273 13 1
                                    


I'm really hurt when he leaves me. I'm really hurt when he broke up with me. But in the past few months, whenever we are together... Everytime we ate lunch. Everytime he says sorry... I am slowly forgiving him. I am slowly... falling... again.

"It's okay, Nathan. Bukas mo na lang ako ihatid," sabi ko sa kaniya sa kabilang linya.

Pareho kasi kaming may taping ngayon. Pero gusto niyang ihatid ako dahil raw ito ang unang araw na official boyfriend ko na ulit siya.

"Pwede namang ngayon na, Chloe. Ihahatid muna kita tapos saka ako pupunta sa shooting place namin."

"Hindi na kailangan, okay? Mahahassle ka lang. Malayo ang shooting place namin sa inyo. Next time mo na lang ako ihatid kapag hindi ka busy."

I heard him sighed deeply. Napangiti naman ako.

"Just drive safely when you're going to your work, okay? Ayos lang ako. May driver naman,"

"Okay," tunog walang gana niyang utas.

Marahan akong natawa dahil doon. He didn't change. Bilis pa rin magtampo.

"Sige na. Kailangan ko nang umalis,"

"Okay," tipid niyang sagot.

"I love you..." I said softly.

Hindi siya sumagot. Naririnig ko lamang ang mabibigat niyang paghinga.

"I said I love you, Nathan. Ano? Walang 'I love you too'?" Sabi ko sabay tawa.

Muli siyang humugot ng malalim na hininga.

"Nathan, I love you..." Ulit ko.

"You really know my weakness, huh?"

Natawa naman ako. "What? I just said what my heart says!" I said innocently.

"Tss..." He hissed. "Huwag ka masyadong magpagod sa trabaho mo. I'll order a food for you. Ipapadala ko sa assistant ko."

"Hmm... Okay,"

"I love you even more, baby."

I smiled at what he said. This is really I've been waiting for. I missed this so much. I missed him so much.



Papasok pa lamang ako sa shooting place ng bagong teleserye namin ni Rence. Siguro ay sa isang taon pa ito ipapalabas dahil wala pa naman kami sa gitna ng taping.

"Miss Chloe, totoo bang kayo na ulit ni Nathan?" Tanong ng isa sa mga reporter na nakapalibot sa akin.

Sigurado namang kalat na iyon sa social media. Bakit kailangan pa nilang itanong ngayon sa akin? To be official?

"Miss Chloe, anong masasabi mo sa sorpresang inihanda sa iyo ni Nathan nung isang araw?"

"It's true. We're back together. And about his surprise, I am very flattered. I didn't expect that he will do that." I answered and smiled.

"Ngayong kayo na ulit, willing ka ba na makasama pa siya sa trabaho? Like movies or teleserye?"

"Ahm, yeah. Of course," tumango-tango ako. "But for the meantime, hindi na muna. May project pa ako with Jarence,"

Tumango naman ang iba sa kanila.

"Talaga bang masaya ka dahil nagkabalikan na ulit kayo ni Nathan?"

I turned my head to the reporter who said that.

"Of course, I am." I answered. "What kind of question is that?" I laughed a bit.

"Bukod kasi sa pagbabalikan ninyong dalawa, usap-usapan din na kaya mo lang siya sinagot muli ay dahil gusto mong mas sumikat pa? Is that true, Miss Chloe?"

A Fan Girl's RevengeWhere stories live. Discover now