Chapter 27

249 8 2
                                    


Monica's POV
             Hindi pa man din nagsisimula ay napaka ingay na ng mga tao. Puno na rin ang dome dahil sa dami ng tao. Ang sabi ay sold out daw ang lahat ng tickets, e. Paano ba naman hindi mapupuno, eh concert ito ng dalawang sikat na artista ngayon.

"Grabe! Mini concert lang ba talaga ito? Bakit ang dami pa ring tao?" Utas ko nang muling inilibot ang paningin sa paligid.

"Syempre maraming manonood, Mon. Concert ng Chloe ko 'to, e."

Pareho kaming ngumisi ni Bryle dahil sa narinig kay Nathan.

Nasa VIP seats kaming tatlo. Habang si Chloe naman ay nasa backstage na upang maghanda mamaya.

Parang dati lang siya iyong kasama kong manood ng mga ganitong concert. Yung tipong napapaos ng sobra yung mga boses namin dahil sa kasisigaw. Pero ngayon, siya na ang panonoorin ko. Siya na ang papalakpakan at titilian ng maraming tao. Tapos itong dalawang bigating artista na ang mga kasama kong manood. Haha!

"Kasama niya pa si Jarence. Talagang maraming manonood. Daming fans ng love team nila, e." Ani Bryle.

"Oo nga! Halos puro ChloRence fans yung nandito ngayon! Naka-suporta talaga sila sa love team ng dalawa!" Dagdag ko pa dahilan kung bakit ang sama na ng tingin sa amin ngayon ni Nathan.

"Paano ba 'yan, bro? Talagang ang daming nagmamahal sa ChloRence. Lakas kasi ng chemistry, e."

"Tss... It's just a love team, Bryle. I don't care," supladong usal naman ni Nathan.

"Pero hindi imposibleng mahulog si Chloe kay Jarence, huh? Lagi niyang kinukwento 'yan sa akin, e. Sobrang bait daw at caring!"

Agad dumapo ang madilim na tingin sa akin ni Nathan. Natawa naman ako.

"Just kidding! Ikaw naman, hindi ka mabiro!" Tawa ko.

"Chloe will never be fall in love with that guy, Mon. She only love me. Not anyone else. I'm sure of that,"

Ngumisi na lamang ako sa kaniya pagkatapos niyang sabihin iyon. I already know that, okay? It's just fun to bully him about Chloe. Pikon agad, basta ang kaibigan ko ang pinag-uusapan.

Chloe's POV
            This is my first ever concert here in the Philippines. I am excited but nervous too. Mini concert lang naman ito, pero sobrang dami pa ring tao.

"Uh, miss Chloe, nandito po si sir Nathan. Gusto raw po niya kayong makausap saglit." Ani ng isang staff na nakadungaw sa may pintuan.

"Huh? Sige. Papasukin mo,"

Tumango naman ang staff at binuksan ng malaki ang pintuan upang makapasok nga si Nathan. Madilim ang tingin niya nang magkatinginan kami.

Bumaling naman ako sa make up artist ko.

"Okay na siguro 'tong make up ko. Pwede ka na munang lumabas." I said.

"Okay, Miss Chloe." She said then turned to Nathan and nodded.

Tumango rin sa kaniya si Nathan bago siya tuluyang lumabas.

Tumayo ako para makalapit na sa nakabusangot na si Nathan.

"Why are you here?" I asked.

"I just want to see you," I smiled to his answer.

"Sorry if I didn't text you yesterday. I'm so busy with the preparations for this concert, e."

He just nodded his head. Mas lalo naman akong lumapit sa kaniya. Inilagay ko ang mga braso ko sa balikat niya. Inilapat naman niya ang mga kamay niya sa baywang ko.

A Fan Girl's RevengeWhere stories live. Discover now