Chapter 4

699 19 0
                                    


Halos isang linggo na rin simula nang sinimulan namin ang shooting for our movie. Maayos naman ang naging takbo nito. Medyo komportable na rin akong kasama si Jarence. He also good at acting. Masaya siya katrabaho.

"Matutulog na lang ako habang nasa byahe tayo." Utas ko sa katabi kong si Jarence.

Papunta na kami ngayon sa Palawan at kasalukuyan kaming nakasakay sa Private Plane. Magkatabi kami ni Jarence habang sila ate Laine naman ay nasa kabilang upuan.

"Sige." He answered simply.

Nagtaas ako ng kilay.

"How 'bout you? Hindi ka ba matutulog?"

"No... Makikinig lang ako sa music. Hindi rin ako inaantok." He said.

"Oh, okay. Ikaw bahala." I made a smile.

He nodded.

Makikinig rin naman ako sa music, pero inaantok ako kaya matutulog.

Inilagay ko ang earphone sa aking tainga saka ipinikit ang mga mata. Siguradong mapapagod ako mamaya kaya mabuti na rin na makapagpahinga ngayon kahit sandali lang.

"You make me smile take away all my fears

You hold me real close

When you wipe my tears

You love me for me and

I'm thankful to have you with me.."

Fuck. Bakit naman ganito yung kanta?

"Soon enough girl I'mma give you everything

I'll get on one knee and I'll give you this ring

It's symbolizes our love it's you and me for Eternity

You are my rainbow after the rain

You are my medicine after the pain

Hold me close, don't let go,and stay with–"

Dumilat ako at mabilis kong pinindot ang next sa cellphone ko. Fuck that song. Naaalala ko lang yung nangyari noon dahil sa kantang 'yan.

"Oh? I thought you're asleep?" Si Jarence na nakatingin na pala sa akin.

"Uh... Yeah, I'm going to sleep now." Sambit ko at muling ipinikit ang mga mata.

Hindi nagtagal ay nakatulog nga ako. Kumakain ako ng snack kada magigising pagkatapos ay matutulog ulit. Mga ilang oras pa bago kami nakarating sa Palawan. Kumain kami saglit sa isang restaurant bago nagpasyang umalis na para makapunta na sa Resort na tutuluyan namin. Tatlong Van ang sinakyan namin dahil marami kaming kasama na mga staffs.

Nakatulog ulit ako at nagising na lang ulit nang may marahang tumapik sa pisngi ko. Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko at nakita kong sobrang lapit ng mukha sa akin ni Jarence.

"We're already here..." He said gently.

Kinusot ko ang mga mata ko bago tumango.

"S-sige."

"Ang cute mo."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

"H-huh?"

He chuckled at my reaction. Bigla na lang niyang pinindot ang ilong ko at ngumisi.

"Arrange yourself, Chloe. We're here..." He announced.

Kinuha niya ang gamit na dala niya saka ako iniwan roon. Damn him!

Inayos ko na lang ang sarili ko bago kinuha ang dala kong bag at sumunod na sa kaniya sa labas. Halos lahat sila ay naroon na. Nakakahiya tuloy na ako na lang pala ang hinihintay.

A Fan Girl's RevengeWhere stories live. Discover now