Chapter 1

1K 28 0
                                    


"Are you really sure na babalik ka na dito, bes?" Si Mon sa kabilang linya.

Tinawagan niya ako nang tinext ko siya kanina na uuwi na nga ako sa Pilipinas. It's been four years, though...

"Of course, Mon. Nakapag-impake na rin ako. Bukas ng umaga ang flight namin ni ate Laine."

"Are you ready to... see him... again?" Putol putol niyang sabi.

"Nathan?" Tanong ko kahit na alam ko naman ng si Nathan nga ang tinutukoy niya.

"Ayokong makitang malungkot ka ulit, Chloe. You know... Nabalitang engage sila ni Tracey, hindi ba?–"

"I'm completely fine, Mon. Bakit naman ako malulungkot? And I already moved on. Wala na akong pake kung ano man ang nangyayari sa buhay niya."

Apat na taon na rin ang lumipas. At sa apat na taon na 'yon, marami akong natutunan. I loved him years ago. I am crazy for him years ago. But then, I learned my mistake. Tinanggap ko ng hindi talaga kami para sa isa't-isa. I'm just his crazy fangirl years ago kaya hindi talaga kami maaaring magsama.

I was hurt. I was really hurt because he broke his promise to me. Because he leaves me... Pero wala naman na akong magagawa kung ayaw na niya talaga. Pagod na akong magmakaawa at mamilit sa kaniya. And besides, he looks happy now. Ilang taon na rin nilang inannounce na magpapakasal sila ni Tracey. Masaya na siya ng wala ako.

"Si Drae ba ang susundo sa inyo sa Airport?"

"I told him na h'wag na dahil paniguradong maraming tao, pero nagpumilit siya."

"Okay na rin 'yon. Hindi ka kumuha ng body guards, 'di ba? Kaya ayos na rin na sunduin kayo ni Drae."

"May kinuha naman yata si ate Laine. Knowing her, she's so protective."

"Pero iba pa rin 'pag nandun si Drae. Knowing him also, he's protective too. Lalo na pagdating sa'yo." Humalakhak siya.

"Tumigil ka nga, Mon." Halakhak ko rin. "Sige na. Kailangan ko ng magpahinga para bukas."

"Okay. Text me kapag paalis na kayo. Love you, Chloe."

"Love you too, Mon. Good night."

Bryle is with Mon now. And I'm happy for Mon. Sa wakas ay nagkabalikan na sila. Mon told me na pretend girlfriend lang daw ni Bryle iyong modelong si Richelle. Na ginawa lang daw nila iyon para makauwi dito si Bryle. Noong una'y nagalit ang tita ni Bryle pero kalaunan ay natanggap na rin nito ang relasyon nilang dalawa.

Si Drae at Mon ang kasama ko habang nagmo move on ako kay Nathan. Sila 'yong palaging nandyan para sa akin. Especially, Drae, sinamahan niya ako rito sa France noong unang taon ko dito.  He helped me with my career. He helped me to move on. Sila ang rason kung bakit  naging maayos na ako ngayon.

"Miss Chloe, how's your flight?" Bungad ng isang reporter nang nakapag land na kami sa Airport.

"Ano pong masasabi ninyo ngayong nakabalik na kayo pagkatapos ng apat na taon?"

Tumigil ako saglit sa paglalakad kaya napatigil din si ate Laine at Drae. Maraming reporter ang nakapalibot sa amin. Hinarap ko sila.

"It's nice to be back. Masaya akong narito na ulit ako sa Pilipinas."

"Are you willing to work with Nathan?"

"Talaga bang naka-move on ka na sa nangyari sa inyo? Kailan kayo huling nagkita?"

Nagkatinginan kami ni Drae nang may magtanong nun. Alam kong nararamdaman niyang hindi ko gusto ang ganung topic. Kaya naman siya ang unang umiwas at bumaling siya sa mga reporter.

A Fan Girl's RevengeWhere stories live. Discover now