Chapter 24

268 7 3
                                    

Sa buhay, minsan kailangan marunong tayong magparaya. Kailangan rin alam natin kung paano magpalaya. Hindi lang sa mga taong mahal natin kundi pati na rin sa mga alaala natin sa nakaraan. Mga masasakit na alaalang naging dahilan ng matindi nating pagkagalit sa isang tao.

Oo nga't kay dali lang sambitin ng mga ito at napaka hirap nang gawin. Ngunit paano mawawala ang bigat sa ating mga dibdib kung ikukulong natin ang ating mga sarili sa nakaraan? Paano tayo tuluyang magiging masaya kung hindi natin kayang pakawalan ang mga masasakit na alala galing sa nakaraan?

"Bakit parang pareho yata ang suot ninyong jacket?"

Ngumisi ako kay ate Joan nang napansin niya ang suot namin ni Nathan. Inimbita kami ni ate sa lunch at kakatapos lang namin kumain.

"Is that a couple jacket? Chloe?" Ulit niya nang hindi namin sinagot ang unang tanong niya.

Nagkibit balikat naman ako. "I don know. You better ask the guy who's beside me. He's the one who bought this, ate." I smiled.

Nakita kong ngumisi naman si Nathan.

"Yes, it is, ate Joan." He answered.

"What? Kayo na ba? I mean, kayo na ba ulit? Bakit couple jacket 'yang mga suot n'yo?"  Sunod-sunod naman na tanong ni ate.

"Hindi pa, ate. Pero sigurado akong malapit na."

"What? Paano ka naman nakakasiguro? Huh?" Natatawa kong utas kay Nathan.

"Bakit? You have a plan to reject me?" He asked while raising his eye brow.

Natahimik naman ako sa sinabi niya. Plan of rejecting him... Of course not. I have no plans to reject him. But Jarence and I... have a plan...

"Tss... Umalis na nga tayo, para makapagpahinga rin ng maaga mamaya." Sabi ko na lang at kumapit na sa kaniyang braso. Hinihila siya kahit na hindi naman siya nagpapadala.

"Mabuti pa nga, Chloe. Umalis na kayo para hindi rin kayo gabihin pag-uwi mamaya." Ani ate Joan.

I nodded to her.

"Sige, ate. Mauna na kami ni Chloe," si Nathan.

"See you again next time, ate Joan." Sabi ko naman.

"Ingat kayo!"

Tumango na lamang kami sa kaniya at nagsimula nang maglakad palabas ng restaurant. Nagpa-reserve si ate Joan sa isang restaurant na hindi gaanong maraming tao para sa lunch namin kanina.

"Kailangan bang sa Mall pa tayo mag-date, Nathan?" Tanong ko nang simulan na niyang paandarin ang sasakyan.

"We'll watch a movie, syempre sa mall dapat tayo, Chloe."

"And then? After natin manood ng movie, ano na ang gagawin natin?" Tanong ko pa.

"Shopping?" He said. "Anything you want,"

"Hmm... Okay. Saang mall tayo?"

"May malapit lang dito. Konti lang rin daw ang tao doon ngayon kaya mas okay." Sagot niya habang naka pokus ang mga mata sa kalsada.

"Naka-jacket at cap naman tayo. Hindi na siguro nila tayo makikilala." Utas ko.

Laging ganito ang porma namin kapag namamasyal kami sa mga public place. Para na rin hindi kami masyadong makilala ng mga tao at ma-enjoy namin ang pamamasyal.

"Anong papanoorin natin?" Tanong ko habang kumukuha siya ng pera sa kaniyang wallet.

Nandito kami sa harapan ng stall ng popcorn para bumili.

A Fan Girl's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon