Chapter 37

389 15 10
                                    


Napaka raming bagay sa mundo ang hindi natin kontrolado. Minsan, kahit gaano pa natin kagusto ang isang bagay, kung hindi talaga para sa atin ay hindi ito mapapasa atin. Hindi natin puwedeng ipilit kahit gaano pa natin ito ka-nais.

I love her so much. I don't want to leave her but it's for the better. Ito lang rin ang alam kong tama. Para sa ikabubuti ng lahat. Para sa ikabubuti niya. Para sa kaniya...

"I love you, okay? Kung alam mo lang, sobrang miss na kita. Tinitiis ko lang na 'wag kang kausapin kasi natatakot ako eh... n-natatakot ako, N-nathan... natatakot ako..."

Marahan kong hinaplos ang kaniyang pisngi. Tinulungan ko siyang punasan ang kaniyang luha. I really hate seeing her crying. Damn.

Ilang araw na ang lumipas simula nung naabutan niyang hinalikan ako ni Tracy. Ilang araw na ang lumipas at ngayon na lang kami muling nagkita...

"Hindi mo na kailangang matakot ngayon, okay?" sambit ko habang marahan pa rin siyang hinahaplos. "Hindi mo na kailangang matakot..."

Tumango siya at hinawakan ang kamay kong humahaplos sa pisngi niya.

You don't need to be scared anymore, baby. Ako ang bahala. Hindi ka na muling matatakot. Ako ang bahala sa lahat...

"Pangako... Pangako hindi na ako pangungunahan ng takot ko. Pangako hindi na ako magpapa-apekto sa ibang tao, Nathan. Pangako..."

I smiled a bit. "I love you, Chloe. I'm sorry..." I almost whispered.

"Okay lang, Nathan. Huwag ka ng mag-sorry. Pinapatawad na kita, okay? Pinapatawad na kita... Bati na tayo ha? Promise hindi na ako magseselos ulit. Promise, ikokontrol ko na ang sarili ko. Mahal na mahal kita..."

Kinuha ko ang kamay niya at dinala ito sa aking labi upang marahang mahalikan.

"Mahal na mahal rin kita. But I think you're right..."

Kita ko sa mga mata niya ang pagtataka dahil sa sinabi ko.

"R-right about what?"

Muli akong ngumiti bago binitiwan ang kamay niya. Bumaling ako sa bote ng beer na nasa harap ko.

"We need to break up...." I said, huskily.

She really looked shocked as she heard it. Namumula ang mga mata niya.

"Nathan... What are you saying? I said I'm sorry for being a jealous girlfriend, alright?! I-I said I'm forgiving you-"

"I said, we need to break up, Chloe." Putol ko sa kaniya.

Bigo siyang tumingin sa akin.

"We need to break up... I want us to end our relationship-"

"Pero, Nathan, why?!" Tumaas ang kaniyang boses. Halos mapatayo na rin siya sa kaniyang upuan.

"I just want us to break-"

"Shit, Nathan! Hindi ako papayag!" Siya naman ang pumutol sa akin ngayon. "Mahal na mahal kita! Hindi ako papayag, Nathan! Hindi ako papayag!"

"Chloe, hindi na kita mahal!" Sigaw ko na nagpatahimik sa kaniya.

"W-what?"

"Hindi na kita mahal, Chloe. I'm sorry, but I fall out of love. Hindi na... kita m-mahal..."

Fuck, Nathaniel! Ayusin mo ang iyong boses!

"I'm sorry..." I said for the last time.

Tumayo ako at iniwan ko na siya. Hindi ko gustong iwan siya. Hindi ko gustong saktan siya. Pero tingin ko'y hindi ko na rin kayang lumaban pa... Tama ang kaibigan niyang si Drae sa mga sinabi niya noong pinuntahan niya ako...

A Fan Girl's RevengeWhere stories live. Discover now