Chapter 18

281 9 0
                                    


Halos iatras kong muli ang sasakyan ko nang nakita ko kung sino na ang nakatayo ngayon sa harap ng bahay ko. Nasa tapat ng bahay ko ang kaniyang sasakyan habang nakasandal siya rito at may kung anong pinipindot sa kaniyang cellphone. Damn. What is he fucking doing here?

How dare him visit me on my own house after he rejected my offer to have a dinner with me!

Napilitan akong ngumiti nang bigla siyang lumingon sa kinaroroonan ko. Umayos siya ng tayo at ngumiti rin saka kumaway sa akin. Pinaandar kong muli ang kotse ko para maitabi na rin sa gilid. Huminga ako ng malalim bago nagpasiyang lumabas. Sinalubong niya naman ako.

"Nathan, what are you doing here?" Bungad ko.

"Uh... Are you busy? Can we have dinner tonight?"

Wow. You rejected me last and now you're the one who wants a dinner with me?

"I'm really sorry about last time, Chloe. I know na nagtatampo ka, pero busy kasi talaga ako–"

"Enough, Nathan. It's okay," utas ko para matigil na siya. "Yeah. It's okay. Hindi naman ako nagtatampo. Naiintindihan ko naman na busy ka. Kahit noong tayo pa... Hindi ba? Madalas ka ring hindi makarating sa lakad natin ng tamang oras dahil marami kang ginagawa. Kaya ayos lang na tumanggi ka nung isang araw. I understand,"

"I'm really sorry..."

Damn his sorry. Hindi ba siya nagsasawa sa kakahingi niya ng tawad? Kasi ako? Sawang-sawa na ako sa mga sorry niya.

"You're a famous celebrity, so... it's alright." Ngumiti na lamang ako.

"Thank you for understanding, Chloe. I thought nagbago ka na, but no... Ikaw pa rin 'yong Chloe na nakilala ko noon. You are still kind and understanding." He said.

I just smiled at him. I'm not that kind and understanding, Nathan.

"So, ano? Saan tayo magdi-dinner?"

Umaliwalas agad ang mukha niya nang sinabi ko iyon.

"S-sasama ka sa akin?"

Nagkibit balikat ako. "Why not?"

"Y-you're not busy today? I-I mean, wala ka na bang gagawin?"

"It's already 6pm, Nathan. Wala na akong gagawin. Kaninang umaga pa iyong taping namin ni Jarence."

"Oh... Ahm, are two close to each other?"

My forehead furrowed at what he said.

"Nino?" I asked.

"Jarence..." He said slowly.

"Ah! Yes, we are close, of course! Loveteam kami, so..."

"Oh, okay. I get it," he said and smiled.

Bakit naman kaya niya tinanong? Tss...

"Ahm, let's go inside? Magbibihis na muna ako."

"Uh, no. It's okay. Dito na lang ako maghihintay sa labas."

"Sa loob ka na maghintay, Nathan. Hindi naman masyadong lumalabas ang mga nakatira dito sa village namin, pero mas mabuti na yung sigurado 'di ba? Baka dumugin ka dito 'pag may nakakita sa 'yo." Tumawa ako.

Luminga-linga naman siya.

"Talaga?" Aniya at binalik ang tingin sa akin. "Uh, sige. Sasama na ako sa 'yo sa loob,"

"Okay. Let's go..."

Pumasok kami sa loob at pinaupo ko na muna siya sa couch habang nagbibihis naman ako. Pagkatapos kong magbihis ay kinuha ko ang phone ko upang matawagan si Jarence.

A Fan Girl's RevengeWhere stories live. Discover now