Chapter 28

244 5 0
                                    


Drae's POV
       Nilapag ko ang kakaluto ko lang na pagkain sa lamesa. Agad namang sininghap ni Monica ang mabangong amoy nito.

"Amoy pa lang halatang masarap na, ah?" Puri niya.

Tumawa naman ako. She's here because she's bored. May taping daw si Bryle at nabobored siya sa Condo nila kaya naisipan niya na lang na bumisita rito.

"May bayad 'yan, huh. That's not free," I joked.

"What? Libre dapat 'to, Drae! Ikaw lang naman ang biglang nagdala ng pagkain dito ah? Hindi naman ako inorder," Irap niya.

I chuckled again. "Just kidding, Mon. Dami mong sinabi."

"Tss... Ewan ko sa 'yo!" Aniya at nag-umpisa naman nang kumain.

She looks irritated now, so I laughed more.

"Oh? Akala ko ba happy ka umorder? Why are you eating now?"

"I'm hungry, alright? 'Wag ka na nga munang magulo riyan!"

"Woohh! Pinagluto na nga kita ng libre tapos sinusungitan mo pa ako? What? Red days?" Tumawa ako.

Natigil lamang ako nang tinapunan niya ako ng masamang tingin. Ngumisi ako at naupo na lang rin sa harap niya.

"By the way, kumusta yung concert ng ChloRence?" I asked.

"Oh my gosh, Drae! Buti naitanong mo 'yan!" Biglang Sabi niya.

Agad namang kumunot ang noo ko.

"Bakit? May nangyari bang hindi maganda?" Tanong ko.

"What? Wala 'no! Ano ka ba!"

"Eh bakit nga?" Ulit ko.

"Kasi naman sobrang ganda ng concert nila Chloe. Nakakakilig sila!" Kuwento niya.

"Talaga? Tapos ano pa?"

"Tapos si Nathan nakakatawa!" She said and giggled. "Kung nandun ka lang, nakita mo sana kung paano siya nagselos kay Jarence! Halos hindi na maipinta mukha niya sa sobrang inis sa pang-aasar namin sa kaniya," she laughed again.

Selos? Si Nathan nagseselos kay Jarence? Eh wala namang gusto si Chloe dun, ah?

"Alam mo, Drae..."

Bumaling ako kay Mon.

"Kung hindi lang nagkabalikan si Chloe at Nathan, pwede sana maging si Jarence at Chloe. Bagay silang dalawa, e."

Ngumisi ako sa sinabi ni Mon.

"Yeah... Pero mukhang masyadong mahal ni Chloe si Nathan kaya tingin ko ay hanggang love team lang talaga sila ni Jarence."

Tumango naman si Mon.

"Right... At sa tingin ko mas okay na rin na sila nga ni Nathan ang magkatuluyan dahil kilala na nila yung isa't-isa. Marami na rin silang napagdaanan. And I'm happy to see that Chloe is happy right now."

Chloe is happy right now... I am not Chloe, but I am not feeling happy for what's happening right now. I mean, yeah, I'm happy that she and Nathan are back together, pero... totoo nga bang masaya si Chloe ngayon?

Chloe's POV
         Before you trust someone, make sure that she or he can keeps all your secrets.

"Hey, let's go inside..." Ani Nathan at hinawakan ang aking kamay.

Kinakabahan naman akong bumaling sa kaniya.

"Sigurado ka bang isasama mo ako sa loob? Hindi ba makakasira sa image mo kung papasok ka kasama ako?"

A Fan Girl's RevengeWhere stories live. Discover now