Epilogue

749 21 2
                                    


Sa buhay, darating talaga sa puntong may mga desisyon tayong pagsisisihan. Mga desisyon na sa una akala natin ay tama... Mga desisyon na akala natin magpapabuti sa atin... Ngunit kung minsan ito pala ang magdudulot sa atin ng matinding sakit. Subalit mag-iiwan pa rin sa atin ng magandang aral.

Unti-unti kong idinilat ang mga mata ko nang naramdaman kong tila nasisinagan ako ng araw sa labas. Ngunit agad ko ring inihinto ang pagmulat ng makarinig ako ng mga pamilyar na boses...

"Nalipat na raw siya sa mental hospital kaninang umaga." Isang pamilyar na boses ng lalaki ang narinig ko.

"Mabuti naman kung ganoon! Dapat lang sa kaniya 'yon!" Ani naman ng pamilyar na boses ng isang babae.

"Grabe. I didn't expect na aabot siya sa puntong ito. Medyo naaawa ako sa kaniya–"

"Ako hindi." Putol ng babae dun sa nagsasalita kanina. "Deserve niya 'yon. Pagkatapos ng lahat ng panggugulo niya sa kaibigan ko? Nararapat lang iyon sa kaniya. Nararapat lang na magdusa siya."

Magdusa? Sinong magdurusa?

"Just stop minding her, Mon. Ang mahalaga ngayon ay pagdurIiiuiusahan na niya ang mga kasalanan niya."

Damn that voice! Tama ba ang rinig ko? Nandito siya? Pero imposible! Ba't niya ako pupuntahan, eh galit nga siya sa akin 'di ba? Pati teka... Nasaan ba ako?

Tinuloy ko ang kaninang naudlot na unti-unting pag-dilat ng mga mata ko. At nang tuluyan na akong nakamulat ay isang puting kisame ang bumungad sa akin. Kasunod nito ay ang mga boses na kanina ko pa naririnig.

"B-bes?"

"Chloe, gising ka na..."

Boses ni Mon at Bryle ang narinig ko. Nagpakita rin sila sa akin.

Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko ngunit halos daliri lang ang naigalaw ko. Anong nangyari? Nasaan ako?

"Dammit, baby! You're finally awake!"

Kumunot ang noo ko nang makita at marinig si Nathan. Nandito siya? Pero hindi ba't galit siya sa akin dahil niloko ko siya?

"N-nasaan ako?" Medyo naguguluhan kong tanong sa kanila.

"Nasa hospital ka, bes. Halos three weeks kang natutulog lang dito at hindi nagigising..." Paliwanag ni Mon na siyang nagpagulat sa akin.

Tatlong linggo akong natulog dito sa hospital? Paano?

Oh shit! Oo nga pala! Uminom nga pala ako ng maraming sleeping pills!

"Are you okay? May masakit ba sa iyo? Anong nararamdaman mo?"

Muli akong napatingin kay Nathan ng sunod-sunod niya akong tanungin. Hindi ako makapaniwalang nandito siya!

"W-why are you h-here..." Mahina kong sambit.

His jaw tightened at my question. May mali ba sa tanong ko? Damn!

"G-galit ka sa akin... 'di ba..." Dagdag ko pa.

He sighed deeply. Sina Mon at Bryle naman ay napatingin na rin sa kaniya.

"Ahm... Lalabas na muna kami, Nathan. Tatawagin rin namin si doc para matingnan nila si Chloe." Ani Mon.

"Okay..." Tugon naman ni Nathan.

Tumango si Bryle at sabay silang lumabas ni Mon para maiwan kaming dalawa ni Nathan dito sa loob.

"Y-you're mad at me, r-right? B-bakit kasama k-kita ngayon?" Ulit ko sa kaniya dahil nalilito talaga ako.

Huminga siya ng malalim bago mas lumapit pa sa akin. Sinundan ko ng tingin ang kamay niya ng hawakan nito ang kamay ko.

A Fan Girl's RevengeWhere stories live. Discover now