Chapter 40

554 15 4
                                    


Nathan's POV
      It hurts so much to lose the person you love. It's very painful to be left behind by someone you value so much. Tila gusto mo na ring mawala kapag yung taong nakasanayan mo nang laging kasama ay naglaho na lang bigla... Kaya nga hangga't maaari, hindi natin hinahayaan na malagay sa panganib ang mga taong mahal natin. Pero paano natin sila mapananatiling ligtas? Paano kung wala tayo lagi sa tabi nila?

Mabilis kong pinaharurot pabalik sa hospital ang sasakyan ko. Kararating ko lang sa Agency ng tumawag sa akin si Drae. Chloe is in danger! Ang sabi ni Drae ay bigla na lang raw inatake si Chloe. Nasa emergency room siya ngayon. Fuck!

"How is she? Nasaan na siya?" Tanong ko nang maabutan sila Drae na nasa tapat ng emergency room.

Umiiyak si Mon sa tabi ni Drae. Si Drae naman ay tumayo para salubungin din ako.

"Hindi pa lumalabas si doc. Wala pang balita–"

"Ano ba kasing nangyari? Hindi ba, maayos naman ang lagay niya nung umalis ako? Bakit ganito nangyari ngayon, Drae?" Sunod-sunod kong tanong. Hindi mapakali dahil sa masamang naiisip.

"We didn't know too, bro. Basta pagkatapos siyang puntahan nung isang nurse, ilang saglit lang ay inatake na siya–"

My forehead furrowed. "Nurse?" I asked.

"Yeah..." Simpleng tugon ni Drae.

"Nakita n'yo ba kung ano yung ginawa nung nurse sa kaniya?" Tanong ko.

"Hindi..."

"Damn! Bakit hindi?" Tanong kong muli.

"P-pinalabas kami nung n-nurse kanina, N–Nathan... A-ang sabi niya may iche-check lang daw siya kay Chloe..."

My eyes darted to Mon. Tumigil na siya sa pag-iyak ngayon ngunit basa pa rin ang kaniyang pisngi.

"P-pagkatapos no'n b-bigla na lang siyang nag-kumbulsyon..." She added.

"Nakita n'yo ba kung ano hitsura nung nurse?" I asked.

"No..." Ani Drae pagkatapos ay umiling naman si Mon.

"Si Tracy..." I whispered to myself when I realized something.

"Ano 'yon, Nathan?" Si Drae.

I looked at him. Si Tracy! Fuck! Kung hindi ako nagkakamali ay siya nga 'yong nurse na tinutukoy nila!

Hinilamos ko ang aking mga palad ss mukha ko. Shit! Bakit kasi binalewala ko siya kanina? Nakita ko na siya, pero hindi ko siya napigilan. Dammit!

"Bakit, Nathan? Is there something wrong?" Drae asked curiously.

I turned to them again.

"May nakabangga ako kanina sa hallway bago umalis rito. Hindi ko nakita 'yong mukha niya dahil umalis siya agad bago pa ako makapag-angat ng tingin, pero..." Tumigil ako. My jaw tightened.

Parehong nakakunot ang mga noo nila at naghihintay sa susunod kong sasabihin.

"Pamilyar yung boses niya. At alam na alam kong boses iyon ni Tracy..."

"Ano?" Gulat na sambit ni Drae.

"Ibig mo bang sabihin si Tracy yung nurse na nagpunta sa kwarto kanina ni Chloe?" Dagdag niya.

"Posible." Sagot ko. "I know her voice, Drae. Boses iyon ni Tracy–"

"Kung alam mo na palang si Tracy 'yon bakit hindi mo pa siya pinaalis? Bakit hindi mo siya pinigilan?" Tila galit niyang utas sa akin.

"Damn, Drae. I didn't know that it's her. Pamilyar lang yung boses niya–"

"Ayun na nga, Nathan! Alam mo yung boses niya kaya dapat alam mo nang siya iyon!"

A Fan Girl's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon