Chapter 38

428 10 5
                                    


It's really hard to trust again. Especially  when someone you love already betray you from the past. But giving her / him a second chance to prove himself / herself again is not that bad. Every people deserves a second chance. A second chance to trust again. To be trusted again. And even a second chance to love again...

Nakahiga ako sa kama at walang ganang nanonood ng tv nang biglang may balitang ipinalabas. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko nang ipakita siya sa telebisyon. Dali-dali akong napabangon.

"Chloe De Guzman tried to kill herself?" That was the headline of the news. Fuck.

"Usap-usapan nga po na nasa hospital ngayon si Miss Chloe dahil sinubukan nitong tapusin na ang kaniyang buhay. Ani ng kaibigan nitong si Monica ay nakita na lang raw nila si Miss Chloe na nakahandusay sa sahig at may hawak na sleeping pills. Hinuha ng lahat na ininom niya ito dahilan kung bakit siya nasa hospital ngayon."

Damn. So, nagsasabi nga ng totoo si Drae? At kaya rin ba ganoon yung text niya sa akin kahapon? Shit! Bakit niya naman iyon ginawa?

"Kanina ay nakapanayam namin ang manager ni Miss Chloe na si Miss Laine at sinabi naman nito na maayos na raw ang lagay ni Chloe ngayon, ngunit hindi pa alam kung kailan ito magigising."

I fucking turned off the tv. Marahas rin ang pagdampot ko sa susi ng aking kotse sa ibabaw ng cabinet bago mabilis na lumabas ng bahay.

She needs me. She fucking needs me. Wala na ako sa tabi niya noong mga panahong nasasaktan siya kaya ngayon ay dapat nasa tabi na niya ako. Dapat kasama niya ako dahil iyon ang ipinangako ko sa kaniya noon. Sasamahan ko siya sa laban niya. Laban ko rin ang mga laban niya...

Isang malakas na suntok ang tumama sa aking panga. Halos mapaupo ako dahil doon. Fuck.

"How fucking dare you to come here?!" Galit na sigaw sa akin ni Drae.

Pinalis ko ang dugo sa gilid ng aking labi bago nagpasyang tumingin sa kaniya. Nagulat ako ng nakitang medyo namumula ang mga mata niya. Tila kagagaling lang nito sa pag-iyak. Masama ba ang lagay ni Chloe? Bakit siya umiiyak? Hindi ba't sabi sa balita kanina ay maayos naman ang lagay niya?

Shit! Nababaliw na ako sa mga naiisip ko!

"Drae! Anong ginawa mo?"

My eyes darted at Grace. She went out to Chloe's room. Kasama niya sina Mon at ate Laine.

Kumunot ang noo ni Mon nang dumapo ang mga mata niya sa akin.

"Drae... Did you punch him?" Tanong sa kaniya ni Mon na nasa gitna na namin ngayon.

"Drae, what did you do?" Muling tanong ni Grace sa kaniyang kasintahan. Nasa gilid na siya nito.

"Paalisin n'yo siya rito," mariin niyang utas habang nakatingin pa rin sa akin.

"I just want to see her–"

"Para ano?" He cut me off. "Hindi ba't hiniwalayan mo na siya? Hindi ka na rin nagtitiwala sa kaniya kaya bakit nagpunta ka pa rito ngayon?"

Lumunok ako. Damn.

"Ang kapal ng mukha mo't nagpunta ka pa talaga rito." Humalakhak siya. " Sinisisi mo pa si Chloe sa mga nangyayari ngayon? Samantalang ikaw naman ang dahilan ng lahat! You're the reason why her life is in danger now! Fuck you!" Aniya at muli sana akong susugurin ngunit agad siyang hinarangan nila Grace.

"That's why I'm here," kalmado kong sabi. "I want to see her. I want to talk to her. I'll ask for her forgiveness–"

"Fuck forgiveness. You don't fucking deserve that!"

"Drae, ano ba! Stop it!" Pigil sa kaniya ni Grace dahilan kung bakit bumaling siya rito. "Just let him see her! Kumalma ka!"

"Dammit, Grace! How can I calm down if my best friend is in danger?" Drae shouted her. "Grace, alam mo kung gaano kahalaga sa akin si Chloe. Sa amin... At hindi ako mapakali sa kakaisip kung kailan siya gigising. Kung kailan natin siya makakausap ulit..."

A Fan Girl's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon