Chapter 39

441 10 0
                                    

Grace POV
             We all value our friendship. We all treasure the memories we had with someone. Even if it's happy or sad. Pero paano natin mapananatili ang pagpapahalaga rito kung wala nang mabuting naidudulot ito sa atin? Paano mo mapananatili ang pagkakaibigan ninyo kung siya na mismo ang nagtutulak sa iyo palayo?

"Mabuti naman at naisipan mo pa akong puntahan." Tracy said as I went to her home. "Don't you forget me already?" I can sense the sarcasm on her voice.

Wala akong photo shoot ngayon kaya naisipan kong puntahan siya. Si Drae naman ang bantay sa aming Restaurant ngayon.

Umupo ako sa couch sa tabi niya.

"Kumusta ka?" Tanong ko. "Pasensya na kung ngayon lang kita ulit napuntahan. I'm busy with the photo shoots, Tracy. Maraming customer sa restaurant this past few weeks kaya busy talaga–"

"And you're busy taking care of your new best friend too, huh?" She cut me off. She looked at me intently. "Ano bang nakain mo, Grace? Bakit palagi kang dumidikit dun sa Chloe na iyon?"

Kumunot ang noo ko.

"What do you mean?"

Humalakhak naman siya.

"Come on, Grace. Alam kong lagi mong kasama si Chloe. Kaya nga halos makalimutan mo na ako, hindi ba?"

"Tracy, what are you saying?" Utas ko. "Hindi kita kailanman kinalimutan–"

"Oh, shut up, Grace!" She almost shouted at me. "You..." Tumayo siya at tinuro niya ako. "You already forget me as your best friend! You are always with Drae! You are always with Chloe! Ni wala kang time makipagkita sa akin. Ni hindi ka rin kailanman nagtanong kung kumusta na ba ako. Pero yung bruhang Chloe na 'yon sinasamahan mo pa sa hospital!"

"Tracy, masama ang lagay ni Chloe–"

"I don't fucking care, Grace!" She shouted again. "I don't even care if she'll die now! I don't care of that bitch!"

I looked at her, slightly shocked at what she said. Paano niya nasasabi ang bagay na iyon?

"Bakit ba galit na galit ka kay Chloe?" Tanong ko. Sinusubukang habaan ang pasensya sa kaniya. "Tracy, bakit ba sobra sobra ang galit na nararamdaman mo sa kaniya?"

"Because she's a damn bitch. Inaagaw niya sa akin ang lahat, Grace. Inaagaw niya sa akin si Nathan–"

"Hindi ka kailanman minahal ni Nathan kaya walang inagaw sa iyo si Chloe." Putol ko sa kaniya.

Wala akong pakealam kung masaktan siya sa sasabihin ko. Kung iyon ang magpapagising sa kaniya sa katotohanan ay gagawin ko.

"Ang tagal n'yo nang magka-love team, Tracy! Pero hindi kailanman umamin sa iyo si Nathan na gusto ka niya! Hindi ka niya kailanman nagustuhan kahit na noong malayo sila ni Chloe sa isa't-isa!"

Umiwas siya ng tingin sa akin. Mabilis niya ring pinalis ang tumulong luha sa pisngi niya.

I'm sorry... I don't want to hurt you by saying those words, but I want you to accept the fact, Tracy. Ayokong tuluyang balutin ng galit ang puso mo.

"Bes..." Marahan kong tawag sa kaniya bago hinawakan ang kaniyang braso. Bumaling siya sa akin.

"Pakiusap, tigilan mo na si Chloe. Tigilan mo na silang dalawa ni Nathan–"

"I thought you're my best friend?"

Natigilan ako sa sinabi niya.

"You're my best friend, Grace... Right?" She said while her tears fell from her eyes. "You said that we're best friends. You promised that you're always there for me. That you will help me with my problems. G-Grace... You promised that you're willing to help me with anything but why are you like that?" She almost screamed the last sentence.

A Fan Girl's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon