Chapter 10

583 20 0
                                    


"Chloe De Guzman nanood ng movie ng kaniyang ex boyfriend na si Nathaniel Reid. Magkaibigan na nga ba ulit sila?"

Hawak ko ang isang newspaper at iyon agad ang balitang bumungad sa akin. Nang umalis kami ni Mon kahapon sa Mall ay agad akong nakatanggap ng tawag galing kay ate Laine.

"Chloe! I told you na mag-ingat ka! Now, look at what you've done!" Iyon ang bungad niya sa akin ng sinagot ko ang kaniyang tawag.

"I'm sorry, ate Laine. Nag-ingat naman po ako, e. Iyong babae ang nakabangga sa akin kaya nangyari iyon–"

"Laman ka ng balita ngayon! Paniguradong kuryoso na sila kung ano ang dahilan mo kung bakit ka nanood ng movie niya!"

Napapikit na lang ako ng mariin. Damn. What am I going to do now?

"May interview ka bukas kasama si Jarence, hindi ba?" Biglang sabi ni ate Laine.

"Opo. Uh... Bakit, ate?"

"Kaya kayo may interview ay dahil sa movie ninyong dalawa. Pero paniguradong tatanungin ka nila tungkol sa issue ngayon."

She's right. Damn...

"Clear your name, Chloe. Ayusin mo ang gulong pinasok mo. Alam kong makakaya mo 'yan."

"Okay, ate... I-I'll do that. Ako na po ang bahala bukas."

"Sige. Magpahinga ka na."

"Okay po."

Pagkapatay niya ng tawag ay nakatanggap naman ako ng text galing kay Mon. Tiningnan ko iyon at binasa.

Mon:
    Bes, sorry talaga. Dahil sa akin nagkaroon ka pa tuloy ng issue. Kung gusto mo ako na ang magpapaliwanag sa kanila ng lahat. Kasalanan ko naman ito, eh.

I type my message to her.

Ako:
   It's not your fault, Mon. May kasalanan rin naman ako. I stopped walking kaya nabangga ako. Don't say sorry.

She replied immediately.

Mon:
   Even so... Kung hindi kita niyaya sana ay hindi nangyari ito.

Napangiti ako sa sinabi niya. Hindi niya naman talaga kasalanan, eh.

Ako:
   Kung hindi mo ako niyaya sana ay nasa bahay lang ako kanina at nakatunganga. I enjoyed watching with you, Mon. I missed bonding with you, you know. Kaya wala kang kasalanan dahil nag-enjoy naman akong kasama ka.

Pakiramdam ko kanina ay bumalik ako sa dating si Chloe. Ganoon halos ang hilig naming gawin ni Mon dati, at minsan nga kasama pa namin si Drae. Kaya nag-enjoy talaga ako kanina kasama siya.

Muling tumunog ang cellphone ko para sa panibago niyang mensahe.

Mon:
    Thanks sa pagsama, bes. Nag-enjoy din ako! Sobrang namiss ko yung bonding natin na ganoon. Basta, ah? Pasensya na ulit. Magpopost na lang ako sa mga social media accounts ko para hindi ka na gaanong guluhin ng mga tao, okay? I love you!

Ang kulit talaga. Sabi nang 'wag na humingi ng pasensya, eh.

Nagtipa ako ng irereply sa kaniya.

Ako:
   Sige, ikaw ang bahala. Pero basta para sa akin wala kang kasalanan, Mon. Love you too!

Sa huli ay ginawa nga ni Mon ang sinabi niya. She posted on her social media accounts.

Monica Bermundo tagged you in a post.  Iyan ang lumabas sa notification ko kaya naman tiningnan ko iyon at binasa.

Monica Bermundo
    Good evening! Just want to say po na totoong nanood si Chloe ng movie na "The Brothers" pero iyon po ay dahil nagpasama ako sa kaniya. Niyaya ko siyang manood dahil movie nga po iyon ni Bryle. Nag-bonding lang po kaming dalawa. Iyon lang po 'yon at wala nang ibang dahilan.

A Fan Girl's RevengeWhere stories live. Discover now