Chapter 22

259 8 1
                                    


Chloe's POV
       Ang pagmamahal ay hindi mo inaasahan. Hindi natin mapipigilan pa ang mga puso natin kapag tumibok na ito. Kahit pa ayaw mo. Kahit pa iwasan mo. Kung tumibok ang puso mo para sa isang tao, wala ka nang magagawa kundi sundin ang nararamdaman mo.

"I really can't believe na pumayag ka sa project na ito, Chloe. Akala ko tatanggihan mo," Nathan's manager said as I went to the shooting place.

Bahagya akong tumawa sa sinabi niya.

"Why would I? Si Nathan yata ang makakasama ko rito." I smirked as I turned to Nathan.

He's standing beside his manager. He smiled at me because of what I said.

"So, let's prepare now? After five minutes nandito na raw si direk."

I nodded to her.

"Sige. Maiwan ko na muna kayo para makapaghanda na rin kayo."

"Okay..." I said.

Nagkatinginan naman kami ni Nathan nang kaming dalawa na lamang ang naiwan doon.

"I'm happy to have work with you, Chloe." He said as he gave me a smile.

I smiled too.

"Me too. Akalain mo 'yon? Parang dati naiinggit pa ako kay Tracy dahil magka love team kayo, ngayon ako na partner mo." Utas ko saka humalakhak. "Dati pinapanood lang kita. Ngayon magkasama na tayo sa isang palabas." Dagdag ko pa.

"Ang mahalaga ngayon ay kasama kita, Chloe. You're my partner now. Ikaw lang. Hindi ang ibang tao..."

Ngumiti ako sa kaniya. Nakakatuwa dahil matagal kong pinangarap noon na mangyari ito. Na makasama siya sa isang pelikula at maging leading lady niya. Iyong tipong boyfriend ko siya sa kuwento at hahalikan niya ako. And it is happening now. But why can't I be totally happy? I don't know if it's because of my plan, but...

"So, memorize n'yo na yung script?" Tanong ni direk.

"Yes, direk." Tugon naman ni Nathan.

"Yah. Me too," I answered too.

"Okay. Hindi na ako magpapakita ng sample ng scene, huh? Mga professional naman na kayo at alam kong magagaling na kayo kaya kayo na ang bahala sa mga kilos ninyo."

I nodded my head.

"Sige. Ayos na ba ang set?" Tanong ni direk sa mga staff.

"Okay na, direk!" Sagot naman ng isa sa kanila.

"Oh paano? Pwesto na rin kayo Chloe, Nathan." Aniya ng muling bumaling sa amin.

Tumango na lamang ako at umayos na nga ng puwesto upang makapagsimula na kami.

"Ano ba kasing problema? 'Di ba maayos naman tayong dalawa? Bakit ngayon nagkaka ganyan ka, Carl?!" Utas ko nang nagsimula na nga kami sa isang scene.

He's my boyfriend sa short film na ginagawa nga namin. May sakit siya sa kuwento at pinapalayo niya ako sa kaniya dahil nga ayaw niyang maging pabigat pa siya sa akin. But in the end of the story, ako 'yong mamamatay dahil mabubundol ako ng isang sasakyan. That's the story all about.

"Angel, please? Just leave now! I want to be alone–"

"Carl naman! Halos isang linggo na nga tayong hindi nagkita, e! Tapos ngayon tinataboy mo pa ako? Sabihin mo nga, bakit mo ako iniiwasan?"

Tumingala siya bago huminga ng malalim.

"I want to be alone, Angel. Please... Leave now,"

"No... I'm not going to leave you here. No..." I shook my head as I said that.

A Fan Girl's RevengeWhere stories live. Discover now