Chapter 6

679 19 3
                                    

Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Jarence. Tinanggihan niya na rin yung project! Napaka laking oportunidad nun para sa kaniya dahil matapos ang ilang taon ay babalik na ulit siya sa pag-arte. Pero nag-back out siya!

"Jarence, are you crazy? Why did you do that?"

Nasa tapat kami ngayon ng dagat at nakatayo. Nakatingin ako sa kaniya habang siya ay nakatanaw sa malayong parte ng dagat.

"Gaya ng sinabi ko kanina, tinanggap ko yung project na iyon dahil nalaman kong ikaw ang magiging partner ko, Chloe." He said and turned to me. "Pero ngayong tinanggihan mo na... I don't think na kailangan ko pang tanggapin 'yon."

Nakaawang ang mga labi ko habang pinapakinggan at tinitingnan siya.

"Come on, don't look at me like that." Tawa niya.

Bumuga ako ng hangin sa sinabi niya.

"I can't believe you did that, Rence. I mean... that's a big opportunity for you."

"You know what, Chloe?" He said. "For me, matatawag ko lang 'yon na big opportunity kung ikaw ang kasama. So... ngayong nag-back out ka na, hindi na." He smirked.

Really? Ganoon ba iyon?

"Don't think too much about that, Chloe. Kakabalik ko lang sa showbiz at siguradong marami pang opportunity na dadating sa akin. Like you..."

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. He must be kidding!

"What are your plans now? Uuwi na ba kayo?" He suddenly asked.

"Oo..."

Tumango siya.

"Uuwi na rin kami kung ganoon." Aniya.

Tiningnan ko lang siya.

"Sabay na tayong bumalik sa Hotel?"

Marahan lang akong tumango. Ngumisi naman siya at tinapik niya pa ako sa aking balikat.

"You're too serious, Chloe. Ngumiti ka naman."

"Sorry. Hindi lang talaga ako makapaniwalang nag-back out ka rin gaya ko." Sabi ko na totoo naman.

He just smiled at me again. "Let's go..." He said and started walking.

Nang makauwi sa bahay ay agad akong nagpahinga. Kaya nga lang binulabog ako ni Mon at nagpunta siya dito. Imbes tuloy na natutulog na ako ay narito ako sa sala kasama siya.

"Talaga? Nag-back out din siya?" Hindi makapaniwala niyang tanong.

Kinuwento ko sa kaniya ang buong nangyari sa Palawan. And now, she didn't believe na nag-back out din si Jarence gaya ko.

"Oo. He said na pumayag lang daw siya noong una sa project na 'yon dahil ako ang partner. Pero ngayong hindi na... nag-back out siya." I said.

"Woah! That's..." Hindi niya maituloy. "Ibig-sabihin, kung ikaw pa rin ang partner niya, hindi siya magbaback out?"

Bumuga ako ng hininga bago tumango. Ang gulo nito ni Mon, kanina ko pa nga sinabi sa kaniya yun.

Nanliit naman na ngayon ang mga mata niya.

"Do you have any idea kung bakit siya nag-back out din?" Nakakunot noo niyang tanong.

Nagkibit balikat ako. "Wala, Mon. Iyon lang ang sinabi niyang dahilan sa akin, Mon."

"I think he likes you." Diretsahan niyang sambit na siyang dahilan kung bakit halos maibuga ko na yung tubig na iniinom ko ngayon.

"What are you talking about, Mon..."

A Fan Girl's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon