Chapter 9

541 15 0
                                    

Maaga akong naghanda para sa meeting namin ngayon. Sinundo ako ni ate Laine kanina at sabay kaming nagpunta rito.

"Natutuwa ako at tinanggap mo ang offer ko, Chloe. Masaya akong makatrabaho ka." Si direk Mel habang nakaupo kami at naghihintay sa makakasama ko sa movie.

Hindi ko talaga alam kung bakit lagi na lang ako ang naghihintay sa kanila. But then, it's okay. Mas okay na 'to kaysa naman ako ang mahuli ng dating.

"Sorry, I'm late, direk."

Napaangat ang tingin ko ng marinig ang pamilyar na boses na iyon. Tumayo ako habang siya ay ngumiti naman sa akin.

"Jarence?" Nagtataka kong sabi.

He walked near me. Nakipagbeso muna siya kila ate Laine at direk bago tuluyang lumapit sa akin.

"Nice to meet you again, Chloe." He said as he kissed me on my cheeks.

"N-nice to meet you again..." Utas ko, gulat pa rin na nakita siya ngayon.

"Oh? Why are you look so shocked?" He said and chuckled.

"I-I didn't know na ikaw ang makakasama ko rito..." I said honestly.

Ngumisi naman siya.

"Maybe it's destiny, huh? Binigyan tayo ng tadhana ng pangalawang pagkakataon para magsama sa trabaho, Chloe. Gusto yatang love team tayong dalawa."

Narinig kong tumawa si direk Mel sa sinabi ni Jarence.

"Ngayon pa lang nakikita ko na ang chemistry ninyong dalawa." Direk Mel said.

"Hindi ka nagkamali sa pagpili, Mel." Ani ate Laine.

May alam ba siya na si Jarence ang makakasama ko ngayon?

Kahapon nung tinext ko si Jarence ay hindi siya makapaniwala na pumayag akong tanggapin ang tulong niya. Tinawagan pa niya ako pagkatapos ko siyang i-text.

"Are you really sure na pumapayag ka na, Chloe?" Bungad niya sa akin ng tumawag siya.

"Yes, Jarence. I want you... to help me."

Narinig ko ang mabigat na paghinga ni Drae na nakatingin sa akin at nakikinig sa sinasabi ko kay Jarence.

"Okay. I'll help you. Let's meet tomorrow, Chloe."

"Uh... What time? May gagawin ako bukas ng umaga, e."

"I'll text you later, okay?"

"Okay..."

"See you, Chloe."

Pagkasabi niya no'n ay pinatay niya na ang tawag.

Pagkatapos ng pag-uusap tungkol sa gagawing movie ay nagpasya kami ni Jarence na mag-usap sa isang restaurant.

"You hungry? Let's eat first," he said.

Tumango lamang ako at hinayaan na siyang umorder ng kakainin namin.

"I want to know, Rence, paano mo ako matutulungan?" Panimula ko. "What's your plan?"

"I want you to pretend to be my girlfriend." Diretso niyang sabi na siyang dahilan ng paglaki ng mga mata ko.

Nababaliw na ba siya?

"Let's pretend, Chloe... Paniguradong kapag nalaman ni Nathan na may boyfriend ka na ay magugulat siya. May tiyansang bumalik siya sa 'yo-"

"He won't do that, Rence! He's already enggage to Tracy! And he doesn't love me anymore-"

"Oh, he is, Chloe. I know that."

A Fan Girl's RevengeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon