Chapter 7

842 34 9
                                    

Lie

"Anong nangyari kagabi?"

My friends cornered me. Hindi pa nagsisimula ang klase kaya hindi ko sila magawang balewalain.

"Huh?" Naguguluhang tinignan ko sila

"Hindi ba't nagpa-iwan si Tristan kahapon?" Kinikilig na usisa ni Eva. Napatango ako.

"Wala, sinamahan niya lang akong maghintay. Umuwi rin kame agad," simpleng sagot ko.

There was nothing to share honestly. I don't get them, lahat nalang sa kanila ay big deal.

"Ang hina naman ni Tristan," dismayadong sabi ni Eva. Tumawa si Genna at napailing-iling.

"Ano bang ineexpect mong mangyari, Eva?" Kumunot ang noo ko.

"Alam mo na, mag c-confess siya sa 'yo. Pakikiligin ka, aayain kang mag date!" Umikot ang mata ko dahil sa narinig. She's delusional.

"Ewan ko sa 'yo. Kung ano-anong iniisip mo dyan."

Anong confess ang pinagsasabi niya? Ni hindi ko nga alam kung gusto ba ako ni Tristan. They just assumed na gusto ako ni Tristan pero hindi naman 'yon nanggaling mismo sa bibig niya.

Sadyang assumera lang talaga 'tong mga kaibigan ko.

Malay namin, may iba palang gusto 'tong si Tristan?

Kaagad na nakaramdam ako ng lungkot.

Of course i would feel sad. Syempre, gusto ko 'yung tao, e. Pero I'll accept that and move on. You can't force someone to like you. It should be natural. Hindi pinipilit.

"Good morning, Elviña."

Dumating si Tristan at umupo sa tabi ko. Agad ko namang naramdaman ang titig ng ilan sa mga kaklase ko.

"Good morning, Tristan."

"Salamat ulit sa pagsama sa 'kin kagabi, ah." sabi ko. Ngumiti siya at nag thumbs up. Kaagad na nag singhapan ang ilan sa mga kaklase ko.

"Nag date kayo kagabi?!" Malakas ang boses nilang tanong. Kaagad na umiling ako bago pa man sila mag isip ng kung anu-ano

"Hindi!" Tanggi ko.

"Edi kayo na. Kami na itong miserable." Jenny was about to throw her things. Napa hawak nalang ako sa noo.

"Wala na ngang ka-date, marami pang pending tasks."

"Mali kayo ng iniisip, sinamahan niya lang ako. Hindi kami nag date," frustrated kong sabi.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Tristan. Nang lingunin ko siya ay nginitian niya lang ako. Napanguso nalang ako at nag iwas ng tingin. Bakit ba mukhang nag e-enjoy pa siya sa mga panunukso nila?

Hindi ko talaga siya maintindihan.

Mayamaya pa ay dumating ang class President naming si Ken at inanunsyo na wala ang Adviser namin ngayong umaga. Kaagad na nagdiwang ang mga kaklase ko pero kaagad rin 'yong napalitan ng reklamo at pagkadismaya nang inutusan niya kameng magtungo sa library at gawin ang activity na ipapasa namin sa lunes.

"Wala nga si Ma'am pero may activity naman." Reklamo ni Eva nang makalapit sa upuan ko. Nasa likod niya rin si Genna na nakatingin lang sa kuko niya.

"No choice," natatawang sabi ko.

Naghanap na ng kaniya-kaniyang kasama ang mga kaklase ko. Three persons per activities raw kaya nag desisyon kame na kameng tatlo na nila Eva at Genna ang magkasama sa activity.

Safe In Your ArmsWhere stories live. Discover now