Chapter 23

587 25 2
                                    

Who are you?


"I'm Rafael Thadeus, bagong bodyguard mo."

Bakit pa siya dumating? Hindi ko kailangan ng bagong bodyguard. Kamamatay lang ni Dave, tapos, may bagong tao nanaman ang mag-bubuwis ng buhay niya para sa 'kin?

I was scared by that thought. Loosing someone in front of me, watching them die and the reason is because of me... Nakakatakot. Masakit. Just imagining that someone might die because of me again... it scares me so much.

I've always hated the thought of having a new bodyguard dahil pakiramdam ko, ano mang oras, pwede siyang mamatay dahil sa 'kin.

I didn't want that to happen. Ayaw kong may mag sakripisyo ng buhay nila para sa 'kin. Ayaw kong may isang tao ang matulad kay Dave.

Kung panahon ko na talaga, ano pa'ng magagawa ko? Mamamatay rin tayong lahat. 'Yung iba, napaaga lang ang pagkawala, but we'll all eventually die. Hindi natin 'yun matatakasan kaya bakit pa tayo mandadamay ng ibang buhay?

I hated my parents for deciding on their own and now, I hated them even more. Hindi na talaga sila magbabago. They will always decide some things on their own at akala nila'y walang mga taong maaapektuhan sa mga desisyong ginagawa nila, kahit ang totoo, meron. May mga taong nasasaktan, naiinis at nagagalit.

"Hindi ba sinabi ng parents mo sa 'yo? Tinanggal na siya sa trabaho."

Nagtagal ang tingin ko kay Asaki nang sabihin niya 'yun. Ang biglaan niyang balita tungkol ro'n ay hindi ko agad naiproseso sa utak ko kaya matagal kameng nagkatitigan.

Hindi ako nagsalita at tahimik na hinintay na sabihin niyang nagbibiro lang siya ngunit makalipas ang ilang segundo ay hindi 'yun nangyari. Nanatili ang kaniyang seryosong tingin sa 'kin dahilan para bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi sa excitement, kundi sa takot.

"H-Huh?" Napaatras ako.

They did what?

"Nasaan siya ngayon? Nandito pa siya, 'di ba?" I tried to smile, ngunit mas nangibabaw ang takot sa puso ko. Ang takot na baka umalis na siya nang hindi ako kinakausap.

Lalo akong kinabahan nang hindi magsalita si Asaki.

I found myself walking outside the house, papunta sa direksyon kung saan nag-uusap ang mga magulang ko at walang sabi-sabing tumayo sa gilid nila dahilan para mapatingin sila sa 'kin.

"Yes, baby? May nakalimutan ka ba?" Papa smiled at me.

"Totoo bang tinanggal niyo si Rafael?" Kalmadong tanong ko. Hanggat maaari, sinubukan kong maging kalmado, kahit ang totoo, gusto ko nang magwala sa galit.

Kung ang dahilan kung bakit nila tinanggal si Rafael bilang bodyguard ko ay dahil sa nangyari kagabi, bakit hindi manlang nila ako binigyan ng karapatang malaman ang tungkol doon? Ako naman ang dahilan kung bakit ako napunta sa ganung sitwasyon, kaya kung tatanggalin nila si Rafael dahil sa kasalanan ko, sana sinabi manlang nila, 'di ba? Bodyguard ko rin siya. May karapatan rin akong malaman kung tatanggalin man nila siya o hindi.

Nagulat sila sa biglaang pagtatanong ko, pero nang makabawi, dahan-dahang tumango si Papa, hindi tinatanggal ang ngiti sa labi niya.

"Yes---

"Bakit hindi niyo manlang sinabi sa 'kin? Ano'ng dahilan? Dahil ba sa nangyari kagabi? Wala siyang kasalanan!" I cut him off. Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko sa galit. Nagdesisyon nanaman sila nang 'di hinihingi ang opinyon ko!

"Don't raise your voice, Elviña. I'm your father." Babala niya. Kumuyom ang kamao ko nang marinig 'yun.

"He always did his job right! He always protected me. Noong wala kayo, siya ang palaging naroon upang protektahan ako! Bakit niyo siya tinanggal nang dahil lang ro'n? And without even telling me? Kasalanan ko kung bakit ako napunta sa sitwasyong 'yun!" Nangilid ang luha ko sa sobrang frustration. Hindi ko na mapigilan ang emosyong nararamdaman ko.

Safe In Your ArmsOù les histoires vivent. Découvrez maintenant