Chapter 19

737 28 0
                                    

Disappointed

Sumunod ako sa kaniya nang lumabas siya ng kwarto. Nahanap ko siya na tahimik na nag-iinit ng tubig sa maliit na kusina ng resthouse. Kahit maliit lang 'yon, I was surprised nang makitang kumpleto ang lahat ng gamit pang kusina doon. Mukhang malinis rin ang lahat ng 'yon kahit wala namang gumagamit nitong resthouse. Siguro'y gusto ng mga magulang ni Tristan na laging malinis ang lahat ng gamit rito kahit wala sila.

Si Mang Dante siguro ang tagapagbantay nitong resthouse. Saan na kaya siya pumunta? Hindi ko na ulit siya nakita mula noong paalisin siya ni Tristan.

Umupo ako sa stool chair na nasa gilid ng island counter at pinanood si Rafael na seryoso lang doon. Nakahalukipkip lang siya habang nakasandal sa may sink, nakatingin sa kawalan at mukhang malalim ang iniisip. Hinihintay niya na kumulo ang iniinit na tubig sa heater. Nang tumunog ito ay kaagad niya itong nilapitan at isinalin ang tubig sa kulay yellow na mug na nasa ibabaw ng island counter.

Pagkatapos niyang magtimpla, nilagay niya 'yon sa harap ko at tinignan ako. "Bumili ako ng snacks, ayaw mo bang isabay 'yun dyan?" Tanong niya.

Hindi ako nakasagot dahil naglakad na siya pabalik sa kwartong napili ko at pumasok ron. Bumalik rin naman agad siya, dala na niya ang plastic na naglalaman ng iba't ibang bagay na pinamili niya.

Nilapag niya ang isa sa snack na binili sa harap ko tapos, naghanap siya ng pwedeng paglagyan ng iba niya pang pinamili. Hindi ako umimik at tahimik na ininom nalang ang gatas na tinimpla niya para sa 'kin. Dahan-dahan lang ang pag-inom ko dahil mainit pa 'yon. Hindi ko rin ginalaw ang pagkaing nasa harap ko dahil busog pa naman ako.

"Saan ka nanggaling kanina?" Mahinahong tanong ko nang maalala ang biglang pagkawala niya sa condo ni Ate Cherry kaninang umaga. I was so worried, akala ko kung ano na ang nangyari sa kaniya.

Kanina ko pa hinihintay ang sagot niya. Kanina pa ako kating-kati na itanong ang tungkol ro'n dahil hindi niya naman ako sinagot kaninang umaga.

Bumalik ba siya sa mansyon?

May parte sa 'kin ang umaasa na sana bumalik nga siya, pero bakit niya naman 'yun gagawin? Hindi naman 'yun parte ng trabaho niya diba? Trabaho lang naman ang lahat ng 'to para sa kaniya. His job is to make sure that I'm safe and he already did his job. Hindi niya na kailangan pang balikan sila Nana.

"May ginawa lang," tipid niyang sagot. Napatango ako doon, disappointed. Nagbaba ako ng tingin upang hindi niya makita ang disappointment sa mukha ko.

Hindi niya talaga sila binalikan, huh? I smiled bitterly. Bakit pa ba ako nagbigay ng kaunting pag-asa sa sarili na babalikan niya sila? Hindi niya 'yun gagawin at ayun nga, hindi niya nga ginawa. Now I'm disappointed.

I'm so stupid for hoping that he would give me a different answer. Na sasabihin niyang bumalik siya doon para sa kanila.

Talagang trabaho lang ang lahat para sa kaniya. At kung ano man ang pinuntahan niya kanina, mas importante pa sa kaniya 'yun kesa sa mga taong nanganganib sa mansyon. Nangilid ang luha ko.

"Are you okay?"

Nakahiga na kame ngayon. Ako sa kama, siya, sa lapag. Hindi ko sinagot ang tanong niya at nagpanggap nalang na tulog. Hindi ko muna siya gustong kausapin pagkatapos ng nalaman ko. Ayaw kong marinig ang boses niya, o makita siya. Ni hindi ko nga kayang manatili sa iisang kwarto kasama siya, e. Pero masyado akong takot para paalisin siya rito. I hated myself but, I hated him more.

Ang bigat ng pakiramdam ko. I felt so useless. Ni hindi ko manlang natulungan sila Nana. They were always there for me, pero ako, hindi ko manlang sila natulungan sa panahong nangangailangan sila ng tulong. I just stood there, watched our mansion burn, watched the unfamiliar man kill one of our guards.

Safe In Your ArmsWhere stories live. Discover now