Chapter 14

676 22 0
                                    

Runaway






Late akong nagising kinabukasan pero dahil hindi naman ako pwedeng lumabas ay hindi ko kinailangang magmadali sa pagligo. I took my time inside the bathroom, walk-in closet and even walking down the stairs. Staying in our big mansion is not that bad, after all. Nakakapagpahinga ako ng mabuti dahil hindi ko kailangang umalis ng bahay ngayon. Ang sarap sa pakiramdam.


Nagagawa ko rin ang gusto kong gawin gaya ng magpuyat at manood ng kung anu-ano buong gabi. Ang kaibahan lang ngayon, may kasama na ulit akong manood at si Rafael 'yon. Makakatulog ako sa kalagitnaan ng panonood at paggising ko sa umaga ay nakapatay na ang TV at wala na sa loob ng kwarto ko si Rafael. Gano'n lagi ang nangyayari. Hindi ko nararamdamang mag-isa ako dahil sa presensya niya.

"Good morning."



Si Rafael ang bumungad sa 'kin pagpasok ko ng kusina. Nagtitimpla siya ng kape sa dalawang mug. Nang magtama ang tingin namin ay binigyan niya ako ng maliit na ngiti. Lumapit ako sa kaniya at sumandal sa island counter habang pinapanood siya sa ginagawa.



"Morning." I greeted back.


"Nasaan si Nana?" Tanong ko nang hindi siya mahagilap sa paligid. Ang ibang mga katulong rin ay wala.



"Namalengke. Pauwi na rin 'yon," sagot niya at inabot sa 'kin ang mug na naglalaman ng kape. Tinanggap ko 'yon at binigyan siya ng maliit na ngiti.



Sabay kameng nagbreakfast. Nakapagluto na sila Nana kaya naman ay hindi na namin kinailangang magluto. Thank goodness, hindi pa naman ako marunong magluto. Baka masunog ang buong mansyon kapag nagluto ako. Si Rafael kaya? Marunong kaya siyang magluto?



"Marunong ka bang magluto?" I turned to Rafael who's sitting next to me. Nasa poolside kame at nakababad ang mga paa namin sa pool. Naisipan kong tumambay rito pagkatapos naming kumain, tutal wala naman akong ibang gagawin ngayon.




"Yes, kinailangan kong matutuo." He replied. Magtatanong pa sana ako kung bakit pero naalala ko ang mom niya. Right, hindi na pala makalakad ang mama niya kaya siguro kinailangan niyang matuto sa pagluluto.






"Sino'ng nagturo sa 'yo?" Usisa ko.




"My mom," tipid niyang sagot. Manghang napatango ako.





"Fast learner ka siguro. Ano'ng una mong natutunang lutuin?" Muli kong tanong. He chuckled and looked back at me, trying to stop himself from grinning.



"Ganito ka ba talaga kadaldal? Ang hilig mong magtanong." Nag-init ang pisngi ko sa sinabi niya. Napaiwas ako ng tingin.



Masyado na ba akong maraming tinatanong? Nakakahiya! Bakit ba ang dami kong tinatanong sa kaniya? Nagmumukha tuloy akong interesado sa buhay niya. Hindi naman ako ganito kapag kay Tristan, ah? Kapag sa kaniya'y ang dami kong naiisip na itanong, pero kapag kay Tristan, wala nang laman 'yong utak ko? Hindi nag f-function ng maayos? Wrong timing! Dapat kay Tristan ako dumaldal nang dumami pa ang pwede naming pag-usapan. Baka isipin niyang boring ako dahil tahimik lang ako sa tuwing magkasama kame!




"Mahilig sa gulay ang mama ko kaya una kong inaral ang magluto ng gulay." I heard him said. Hindi na ako nagsalita ulit dahil baka kung anu-ano nanaman ang itanong ko nang 'di ko namamalayan.



"What about you? Marunong ka ba?" Tanong niya pabalik. Tumaas ang kilay ko.



"Hindi," mahinang sabi ko. Bigla akong nahiya.




Safe In Your ArmsWhere stories live. Discover now