Chapter 1

1.6K 45 5
                                    

Her fault



"Dave." Nakangising tawag ko sa kaniya. Nilingon niya ako at nang makita ang suot kong damit ay kaagad na ngumiti siya at pumalakpak.


"Ang ganda mo."


"Ang ganda ko."

Sabay naming sabi dahilan para parehas kameng matawa. Binuksan niya ang pinto ng kotse at sinenyasan akong pumasok. Kaagad naman akong pumasok sa loob at ganun rin siya.


"Thank you, Dave." Nakangiting sabi ko mula sa likod. Tinignan niya ako mula sa rearview mirror at ngumiti.

"Ikaw pa, malakas ka sa'kin," sagot niya.

Nang mag elementary ako, kinuha ni Mama at Papa bilang bodyguard ko si Dave. Kaibigan nila si Dave kaya hindi sila nag dalawang isip na iwan at ipagkatiwala ako sakaniya sa tuwing aalis sila para sa business trips nila papunta sa ibang bansa. I hated him at first, lagi siyang naka sunod sa'kin at lahat ng mga imposibleng tanong ko ay nasasagot niya.


Ayaw ko sa kaniya.


I want to be with my parents. Gusto kong sila ang sumundo sa'kin sa school. Gusto kong sila ang makipaglaro sa'kin pero kahit kailan ay wala sila para makipaglaro dahil lagi silang busy.

Si Dave ang laging nandiyan para sa'kin. He would always listen to my childish rants silently and would always wipe my tears everytime na umiiyak ako dahil sa mga magulang ko.

Kahit kailan ay hindi siya nagalit sa'kin. Kahit pa muntik na kameng maaksidente nang sinubukan kong ibangga ang kotseng minamaneho niya. Imbes na magalit sa'kin ay nag sorry siya.


Hindi ko nga mapigilang hilingin minsan e, na sana siya nalang 'yung naging magulang ko. Sana siya nalang 'yung naging ama ko.

Hindi ako makagalaw. Pinapanood ko si Dave. Galit, sinisigawan ako. sinisisi ako sa lahat ng nangyari. Unable to move, unti-unting tumutulo ang luha ko habang nakatingin sa kaniya.


Galit si Dave. Galit siya sa 'kin. That was an unfamiliar sight.

"Kasalanan mo 'to. Ang tigas kasi ng ulo mo! Hindi mangyayari sa 'kin 'to kung nakinig ka sa mga magulang mo!"

Pag mulat ng mga mata ko ay kaagad akong napabangon. Inilibot ko ang tingin sa paligid, takot na takot. Nasa loob ako ng kwarto ko at maliwanag na sa labas.


Naalala ko ang mga nangyari sa birthday ni Tristan.

It's just a dream, right?

Safe In Your ArmsWhere stories live. Discover now