Prologue

3.1K 67 14
                                    

Ps: This story was made way back when i was younger and didn't have a lot of experience. Some of the chapters are unedited but i wrote every part of this story with full of sincerity and love. I hope you refrain from comparing the story and the author from other authors out there.

Thank you and please live a happy life!

TW: Death

Prologue

"Hindi ko alam kung bakit laging nakasunod 'yang bodyguard mo sa'yo, Elviña."

Eva spoke. She was looking for a dress na gagamitin namin para sa isang importanteng okasyon, Tristan's birthday at bukas na ito gaganapin sa kanilang mansyon.

I glanced at my bodyguard who's been my bodyguard for as long as i can remember. Dave was big and looked very intimidating. Siguro dahil dati siyang sundalo and because of that, my parents trusted him with my life kahit na hindi mo maikakailang tumatanda na siya.

Despite his appearance, Dave's actually the opposite. Mabait siya at napakahaba pa ng pasensya. He would always chase after me because i would run away from him whenever i get the chance. I was tired of him always following me around like a fly. Maliban sa pagod, I was ashamed that at this age, may bodyguard parin ako.

Hindi naman ako disabled. I'm not some celebrity child so why do i need him? Ang oa ng mga magulang ko.

"Marami ka naman na sigurong damit sa bahay niyo eh, hindi mo pa nga naisusuot 'yong binili nating dress last week." Eva commented nang makitang may kinuha akong dress doon.

"Ayaw ko nang suotin," sagot ko dahilan para matawa siya.

"Ganyan talaga kapag anak ng mayaman 'no? Ang yaman niyo. Ano bang trabaho ng parents mo, Elvi?" Curious niyang tanong.

"Bakit? Magpapayaman ka rin?" Tanong ko pabalik. Tumawa siya at umiling.

"Curious lang," aniya. Hindi na ako umimik at dumeretso na kame sa counter nang makapili siya ng damit.

I payed for her dress and mine tapos ay agad na rin kaming naghiwalay nang makalabas ng boutique. She has a date with her boyfriend at ako, kailangan ko nang umuwi.

"Saan ka nanaman ba nag punta, Elviña?! Nag-alala ako sa 'yo! Hindi ka manlang nag paalam." Sinalubong ako ni Mama nang makauwi.

"Kasama ko naman po si Dave." Pag-dadahilan ko. Medyo gulat pa dahil ngayon ko lang ulit siyang nakitang nag-aalala ng sobra sa pag-alis ko ng bahay kahit na kasama ko si Dave.

"Iwasan mo munang lumabas okay? Delikado ang panahon ngayon, anak." She caressed my hair, looking uneasy. What's up with her?

"Pero ma, birthday ng kaklase ko bukas at invited-

"Walang pero-pero, mas mahalaga ang buhay mo." Putol niya sa'kin.

"Ma-

"Pumasok ka na sa kwarto mo at mag pahinga, okay? Kakausapin ko muna ang bodyguard mo," may pinalidad sa boses niyang sabi. Kahit hindi sang-ayon ay wala akong ibang nagawa kundi ang pumayag at umakyat na sa kwarto ko.

I did my skin care at nagpahinga sa kama ko.

Bakit kaya extra protective si Mama ngayon? Para namang may bigla nalang mangyayari sa'kin kapag lumabas ako ulit ng bahay na 'to.

Napatitig ako sa kisame ng kwarto ko. Mayamaya pa ay nag ring ang cellphone ko. Tumatawag si Genna, ang isa sa kaibigan ko. I answered it and her sweet voice filled my ear.

Safe In Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon