Chapter 11

841 32 0
                                    

Picture frame

"Hindi ka ba kakain, Elviña?" Tanong ni Eva nang mapansin niyang hindi ko nilalagyan ng pagkain ang pinggan ko.

Nasa dining area kame ngayon, kumakain sila ng breakfast.

Maaga silang nagising dahil may kailangang puntahan ngayon si Eva. Sasabay naman si Genna sa kaniya dahil siya ang gagawa ng activity naming hindi namin nagawa kagabi.

Nag prisenta akong tumulong but Genna refused, hindi na raw kailangan. Expected na 'yon pero sinubukan ko parin dahil baka biglang pumayag.

Kapag talaga nagkakasama kameng tatlo sa isang activity ay halos hindi kame gumawa ng activity ni Eva dahil inaako 'yon ni Genna. Nakakahiya tuloy. Kaya, hanggat may magagawa ako ay tumutulong naman ako kahit papa'no. Hindi gaya nitong si Eva na walang paki-alam sa mundo. Masyadong makapal ang mukha. Palibhasa, nasanay siyang laging gano'n si Genna.

"Busog pa ako," maikling sagot ko. Napatango siya at nag patuloy nalang sa pag kain. Tahimik ko silang pinanood. Hinihintay na matapos sila upang maihatid ko sila sa nag hihintay na si Benjie sa labas ng mansyon.

Habang hinihintay silang matapos sa pag-kain ay naalala ko si Rafael. Gising na kaya siya? Maaga siyang nagigising sa tuwing pumapasok kame sa school kaya ang hula ko'y gising na siya ngayon.

Ano kayang ginagawa niya? Paniguradong hindi pa siya nag b-breakfast.

"I heard some weird noises last night. Sa takot ko syempre hindi na ako lumabas ng kwarto to check." Gulat na napatingin ako kay Eva dahil sa narinig. Shit! Narinig niya ba kame ni Rafael?! Kaagad na dinapuan ako ng kaba.

"Watching horror movies before sleeping is a bad idea. Imagination mo lang ang narinig mo, Eva," naiiling na sabi ni Genna. Pinapatay ang takot na namumuo sa isip ni Eva. Mabilis na tumango ako bilang pagsang-ayon, kinakabahan pa.

"She's right. Imagination mo lang 'yon Eva," sabi ko. Napanguso siya dahil sa narinig.

"Baka nga. Romance na lang ang panoorin natin sa susunod? Ang kaso, ayaw ko rin ng romance dahil naiinggit ako!" Napakamot siya sa ulo.

"How about action movies?" I suggested.

I like action movies. Wala naman akong problema sa romance but I prefer action movies. Ewan ko ba, nahawa siguro ako kay Dave. He likes action movies. Madalas kameng manood ng gano'n noong bata pa ako at laging nag o-overreact si Mama sa tuwing nalalaman niyang gano'n ang pinapanood ko. Hindi raw 'yon bagay sa edad ko.

She expected me to watch some barbie movies but I enjoyed watching the action movies more.

Ang nangyayari tuloy, patago kameng nanonood. Pinagbabawalan ako ni Mama pero dahil gusto ko, kahit tumanggi si Dave ay wala siyang magagawa dahil malambot siya pag dating sa 'kin.

Hindi ko tuloy mapigilang isipin, gano'n rin kaya siya sa anak niya? Kung meron man. Matagal ko na siyang bodyguard pero wala manlang akong alam tungkol sa kaniya.

May anak kaya siya o asawa?

Nakaramdam ako ng lungkot. Ngayon ko lang narealize na hindi ko siya gano'n kakilala. He was always there for me, alam niya ang lahat ng bagay tungkol sa pagkatao ko, pero ako? Wala akong alam.

Kumirot ang puso ko. I was always with him, but I didn't even bother to know anything about him. Puro sarili ko lang ang inisip ko.

"Sige! Try natin next time." Pag payag ni Eva. Ngumiti lang ako at hindi na nag salita ulit.

Nang matapos silang kumain at maligo ay sinamahan ko na sila palabas ng bahay. Pumasok sila sa loob ng kotse kung saan nag hihintay si Benjie at kinawayan ako mula sa naka bukas na bintana.

Safe In Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon