Chapter 24

578 24 2
                                    

Ate Cherry




Nang magising ako kinabukasan, wala na si Mama sa tabi ko kaya mabilis akong bumangon at naligo. Pagkatapos, naglakad ako patungo sa dining room at inaasahang naroon na rin sila, kumakain at hinihintay ako, ngunit hindi ko sila naabutan ro'n.


Kumunot ang noo ko.



"Have you seen my parents?" Tanong ko kay Asaki nang pumasok siya sa dinig room dala ang isang mug.


"Nope. Check their room," sagot niya at umalis rin agad. Napatango ako at lumabas na rin ro'n upang puntahan sila sa kwarto nila.

Hindi mawala sa isip ko ang sinabi ni Mama kagabi. 'Yung takot ko, nandito parin. Hindi ko mapigilang mag-alala dahil sa mga sinabi niya, but maybe I'm just overreacting, right?

Masyado lang siguro akong pagod na kung anu-ano na ang pumapasok sa isip ko.

Right. Masyado ko kasing ginalingan ang paglangoy, e. Akala mo, nilalaban sa Olympics ang pilipinas. Napailing ako at sinubukang pagaanin ang sariling loob.

Nang unti-unti nang makalapit sa pinto nila, bigla akong nakarinig ng malakas na pagkabasag ng gamit mula ro'n kaya agad akong dinapuan ng kaba. Mabilis akong naglakad papunta ro'n, pero hindi pa man ako nakakapasok ay napahinto na ako nang marinig ang galit na boses ni Papa.



"Kasalanan 'to nung lalake 'yun, e!" Sinilip ko sila mula sa nakaawang na pinto. Nakaupo si Mama sa paanan ng kama at nakatayo naman si Papa sa harap niya, patalikod sa 'kin.



"Pinatay ko na siya't lahat, pero heto parin siya, binibigyan niya parin tayo ng problema kahit nasa impyerno na siya!" Hinawakan ni Mama ang kamay niya, pero kaagad niya 'yung tinabig.


"Kaya natin 'tong ayusin. Pwede natin silang kausapin at sabihing misunderstanding lang ang lahat. Dapat noong una pa natin 'to ginawa kaysa umuwi tayo rito at lalo pang pinalaki ang gulo." I heard her said.


"Please, ayusin na natin 'to. Itigil na nating ang lahat ng 'to at magsimula ulit tayo kasama ang anak natin." Napahikbi si Mama.


"Naghuhugas ka nanaman ng kamay! Ikaw naman ang may gustong umuwi tayo rito, 'di ba? Bakit parang ako pa ang may kasalanan?!" Singhal ni Papa sa kaniya.


"Hindi 'yan ang ipinaparating ko! Please, kumalma ka. Ang sinasabi ko lang, sana hindi na natin siya tinakbuhan. I'm not blaming you. You also agreed to go home kaya parehas natin 'tong kasalanan."


"Wala akong kasalanan. Hindi ko kasalanan kung bakit 'to nangyayari. Kung mayroon mang dapat sisihin sa kamalasang 'to, si Dave 'yun! Siya ang dahilan kung bakit hindi naging successful ang operasyon noong araw na 'yun!" Natigilan ako nang marinig 'yun.


Si Dave? Bakit? Ano'ng ginawa ni Dave?


Pinakalma ko ang sarili ko nang bumilis ang tibok ng puso ko.


Marami namang Dave dyan, 'di ba? Hindi lang si Dave ang may pangalang Dave sa mundo. They could be talking about another person, right?


"As your friend, he wanted to stop us. Gusto niya lang tayong tulungan." Pagtatanggol ni Mama sa Dave na tinutukoy ni Papa.


"Hindi ko siya kaibigan. Ginamit ko lang siya, dahil akala ko, siya ang pinaka the best option para sa anak natin, pero nagkamali ako. Isa pala siyang spy at lahat ng trasaksyon natin, inaalam niya." Sunod-sunod na nagmura si Papa.


"Kaya pala pumayag siyang maging bodyguard niya ng walang kahirap-hirap... If I knew about his real intentions, sana una palang, pinatay ko na siya."


Safe In Your ArmsWhere stories live. Discover now