Chapter 2

1.5K 48 13
                                    

Rafael Thadeus

"Okay na." Ngumiti si yaya Juliet nang matapos niyang suklayan ang buhok ko.

Pinagmasdan ko ang sarili sa harap ng salamin. Ang dating hanggang bewang kong buhok ay hanggang balikat ko nalang ngayon. Pinagpag ko ang suot na uniform at nag pasalamat sa kaniya. Ngumiti lang siya at pinababa na ako upang mag-breakfast.

It was an impulsive decision. I just felt like cutting my hair so i asked for her help. Am i going to regret it? Stay tuned.

"Good morning-wow! Ganda naman ng baby namin." Puri ni Dad nang makita ang bagong gupit kong buhok. Umupo ako sa isa sa bakanteng mesa at pinanood ang isa pa naming katulong na nilalagyan ng pagkain ang pinggan ko.

"Good morning." Bati ko sa kanila.

"Good morning, baby. Ang ganda ng buhok mo. I love it." I smiled on my mom's remark and started eating silently.

Nag kwentuhan sila habang kumakain at nanatili naman akong tahimik. Parehas silang nag paplanong mag bakasyon kame sa lugar ng lola at lolo ko sa summer break kahit malayo pa naman 'yon. Excited na sila sa pag-iisip ng mga pasalubong na dadalhin at iba pa.

"I'm sure matutuwa 'yung Lola at Lolo mo pag nalaman nilang dadalawin sila ng paborito nilang apo," natatawang sabi ni Mama. I almost rolled my eyes.

"Siya lang naman ang nag-iisa nilang apo, mahal. Kaya nga halos ibigay ang lahat kay Elviña eh." Bumungisngis si daddy.

Si Lola at Lolo ay mga magulang ni Papa. Nag iisang anak lang rin siya kaya naman nang mag asawa si Papa at ipanganak ako ay sobra silang natuwa. Ang mga magulang naman ni Mama ay hindi niya nakilala. Wala siyang kamag-anak na nakilala dahil sa bahay ampunan siya lumaki.

Kaya naman nang makilala niya si Papa ay ito raw ang bumuo sa pagkatao niya. Nagkaron sila ng isang anak at ako 'yon. After that, hindi na nila naisipang dagdagan pa ito. Masyado silang busy para mag dagdag pa ng isang anak.

"By the way, anak. We decided to hire a new bodyguard for you." Natigilan ako nang marinig ang sinabi ni Mama. Umangat ang tingin ko sa kaniya dahil do'n.

"Hindi ko naman po kailangan ng bago," tipid kong sabi at nag patuloy sa pag kain. Ignoring what she just said.

"Yes, you need one. Hindi ligtas ang mundo ngayon. Baka kung ano pa ang mangyari sa 'yo," she said with conviction. I gritted my teeth, feeling annoyed.

Ayan nanaman sila. Masyado silang protective. Nakakainis.

"At okay lang na may mangyaring masama sa iba dahil sa 'kin? No. Ayaw ko." Hindi pa ba sapat ang pagkawala ni Dave? I couldn't afford to loose another person.

"Don't be stubborn, Elviña and listen to us. Alam kong ayaw mong palitan si Dave-

Tumayo ako at tinignan sila ng masama. "Hindi ko kailangan ng bagong bodyguard, okay? Kaya ko ang sarili ko." Tinalikuran ko sila pero hindi pa man ako nakakalayo ay nag salita na ulit si Papa.

"We're going on a business trip again. Kailangan naming makasiguradong ligtas ka habang wala kame, please, anak. Para sa 'yo 'tong ginagawa namin." Napabuntong-hininga ako nang marinig 'yon mula sa kaniya.

As always, 'yan naman lagi ang mga linya nila, e. 'Para sa 'yo 'tong ginagawa ko.' 'Para sa ikabubuti mo.' Kahit ang totoo naman, gusto lang nilang gawin ang gusto nila. Gusto lang nilang mag desisyon dahil akala nila, 'yon ang tama. They don't even consider other people's opinion. Kung tingin nilang tama ang ginagawa nila ay mag dedesisyon kaagad sila, wala nang paki-alam sa mararamdaman ng iba.

Safe In Your ArmsWhere stories live. Discover now