Chapter 22

554 24 0
                                    

Fired

Tumigil ang kotse sa harap ng isang malaki at kulay itim na gate. Mabilis itong bumukas at kaagad na pumasok ang kotseng sinasakyan ko ro'n nang walang kahirap-hirap.

There were guards everywhere, pinapanood kaming dumaan at nakikipag-usap sa taong nagsasalita sa earpiece nila.

Nang lumampas kame ro'n, kaagad na dumako ang tingin ko sa harap ng isang modern house. May mga bantay rin ang tahimik na nagmamasid sa amin na harap no'n, pero ang pinaka nakakuha ng atensyon ko ay ang lalakeng pamilyar ang mukha sa 'kin. Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa kaniya. He's alive! Ngayon ko lang ulit siya nakita!

"Asaki!" Kaagad akong lumapit sa kaniya nang makalabas ako ng kotse. He gave me a small smile nang makalapit ako.

"What's up?" He greeted.

"You're alive!" I pinched his cheek to make sure kaya mahina siyang natawa.

"I am," natatawang aniya.

"Paano? Bakit?" When that explosion happened, him and his men were nowhere to be found, kaya naisip kong baka nasa loob rin sila ng mansyon noong gabing 'yon.

Masaya akong malaman na ayos lang pala sila. Ayon sa sinabi ni Tristan kanina, buhay sila Nana at ibang mga katulong, but he didn't mentioned Asaki and his men. Nag-alala ako ro'n pero masaya akong malaman na buhay naman pala siya at ang mga kasamahan niya. Nawala sila sa isip ko! I feel so bad.

"Mas gusto mo bang mamatay ako?" He asked, offended. Kaagad akong umiling nang marinig 'yun.

"No! What I mean is, paano kayo nakaligtas? Hindi ko kayo nahanap nang mangyari ang pagsabog na 'yun. Kasama niyo ba sila Nana? Nandito rin ba sila ngayon?" Sunod-sunod kong tanong. Hindi naman masamang umasang nandito rin sila, 'di ba?

Bago pa man siya makasagot sa tanong ko ay kaagad nang may sumingit sa 'min.

"Your parents are waiting for you, miss Elviña," singit ng isang lalakeng galing sa loob ng bahay. Napatango ako at muling tinignan si Asaki na binigyan lang ako ng maliit ng ngiti.

"I'll talk to you later," I said. Tumango lang siya at pumasok na rin ako sa loob at dumeretso sa kwarto kung saan nila ako hinihintay.

Kabadong-kabado ako habang naglalakad papunta ro'n. Matagal ko ring hindi nakita ang mga magulang ko at marami na rin ang nangyari. Marami akong gustong itanong sa kanila, pero ang pinaka gusto kong masiguro ngayon ay kung ayos lang ba sila.

Pumasok ako sa loob ng pintong kulay itim. Wala na akong panahon na tumingin-tingin pa sa paligid ko dahil kabadong-kabado ako habang naglalakad na hindi ko na napansin ang mga detalye sa paligid ko. All I could say is the house is big at sigurado akong mahal ang materyales nito.

Bumungad sa 'kin ang mga magulang kong halos hindi ko na makilala ngayon. Napatigil ako sa paglalakad malayo sa kanila at kaagad naman silang napatingin sa 'kin nang marinig ang pagbukas ng pinto.

Ang magandang kulay itim na buhok ni Mama ay naging kulay blondé na ngayon. She's wearing a red fitted dress and a black heels. Pumayat siya at lumiit lalo ang kaniyang mukha, habang si Papa naman ay tinubuan ng mga balbas. Pumuti ang ilan sa buhok niya at humaba rin ito. Gaya ni Mama, pumayat rin siya.

They both smiled at me, mukhang sinusuri rin kung may nagbago ba sa 'kin.

Pinigilan ko ang maluha habang nakatingin sa kanilang dalawa. Kahit hindi pa man sila nagsasalita, I immediately knew that something was wrong. They don't look so good at parang pinipiga ang puso ko habang nakatingin sa kanila.

"How are you?" Mom broke the silence.

Lumunok ako nang magbadya ang luha ko. Huminga ako ng malalim habang pilit na pinapakalma ang sarili ko. Kakatapos ko palang umiyak kanina, tapos heto nanaman ako't naiiyak nanaman? Hindi ba ako nauubusan ng luha?

Safe In Your ArmsOn viuen les histories. Descobreix ara