Chapter 40

223 3 0
                                    

Perfect

I used to think that he was the most purest and kindest human alive. Walang flaws, hindi nakakagawa ng kasalanan. He was almost perfect for me and I've always loved the idea of him, being the almost perfect type of guy that I ignored some signs and didn't think that one day, he could possibly turn into someone who'll break my heart.

Nitong mga nag daang taon, hindi ko na siya masyadong inisip. He didn't deserve my time and I didn't want to mourn for what he and my best friend did behind my back.

Ang makita siyang muli pagkatapos ang gabing isuko niya ako sa mga taong 'yon para sa kaibigan ko and him saying how he really felt, broke my heart but meeting him again unexpectedly right now, I felt nothing.

He was still handsome and became taller. May ilang balbas na but that didn't hide how good looking he is.

"Elviña," nauutal pa.

"Sorry, maling room," he apologized, hindi mapakali.

"Ayos lang, sige." I was about to close the door nang iharang niya ang paa niya doon.

"Nandito ka rin pala. May kasama ka?" Tanong niya, forcing a smile.

"Yes, I'm with Rafael," sagot ko.

"You still have that body guard around, I see," napa tango siya.

"Sabagay, hindi ikaw si Elviña kung wala kang kasa-kasamang body guard," he added with a chuckle.

"Kung wala ka nang importanteng sasabihin paki alis na ng paa mo, mag papahinga na ako." Agad naman niyang inalis ang paa niya.

"Oh, right, sorry. Good night," he smiled. Tumango lang ako at isinara ang pinto.

"Si Tristan?" Rafael spoke behind me. Hawak ang dibdib na nilingon ko siya, bahagyang nagulat sa biglaang pag litaw niya sa likod ko.

"Yeah," simpleng sagot ko at umupo sa kama. He followed me at umupo naman sa upuang naroon, paharap sa 'kin, mukhang tinatantya ang mood ko.

"Are you okay?" He asked. He looked worried kaya agad akong nakaramdam ng guilt.

"Oo naman. Sorry, gusto ko nang mag pahinga. Maybe we should stay the night here?" I said, glancing at the window.

"Mukhang hindi pa titila 'yung ulan," I added and returned my gaze to him.

"Okay. Lipat nalang ako sa ibang room," aniya.

"No, we can share a room. Sayang 'yung pera," pigil ko sa kaniya. Isa pa, it's not like we haven't shared a bed before. Tsaka, this room is too big for me. Isang gabi lang naman naming gagamitin 'to.

"Are you sure?" Paninigurado niya. I nodded my head and smiled.


"Okay."


"Dito ako," turo niya sa couch. I nodded my head at humiga sa malambot at malaking kama. Since we didn't have spear clothes with us, we didn't bother to shower at nag pahinga nalang na ganun parin ang suot na damit.

It was cold at malakas parin ang ulan sa labas. Nilibang ko ang sarili sa pamamagitan ng panonood ng videos sa cellphone ko at nang magsawa, humiga ako doon nang tahimik at tumitig nalang sa kisame, trying to sleep but I couldn't.

Binalingan ko si Rafael na nakahiga sa couch at mukhang hindi kumportable. His eyes were closed at naka krus ang braso sa dibdib. I sighed and went to his direction at ginising siya.

"We can share the bed," I said, bitting my lower lip. Nakakahiya naman kung ako lang ang kumportable sa pag higa at siya hindi. Hindi ako makakapag pahinga ng maayos knowing na hindi kumportable ang kasama ko.

Safe In Your ArmsWhere stories live. Discover now