Chapter 5

945 33 6
                                    

Gusto

Si Rafael agad ang bumungad sa 'kin nang makalabas ako ng kwarto. He was leaning against the wall, wearing our school uniform. Nakasabit ang isang strap ng kaniyang bag sa kaliwang balikat niya habang nakapamulsa, looking like a model posing for a camera.

Is he my bodyguard or a model?

I cleared my throat.

Nang magtama ang tingin namin ay kaagad na nag ayos siya ng tayo at lumapit sa 'kin.

"Good morning, ma'am." He gave me a soft smile.

"Walang good sa morning." Malamig kong sabi at tinalikuran siya.

Nag tungo ako sa hagdan at bumaba papunta sa dining area. Naramdaman ko naman ang pag sunod niya sa likod ko na isinawalang bahala ko lang.

"Good morning ija, ijo, mag agahan na kayo," bati ni Nana Flora. Bumaba ang tingin ko sa dalawang pinggan na nasa mesa.

"Sasabay na siya sa'yo, anak. Tutal parehas naman kayong papasok sa school," sabi ni Nana nang mapansin ang pag titig ko sa dalawang pinggan na nasa mesa.

"Good morning, Nana." Nag pantig ang tenga ko sa narinig mula kay Rafael.

Nakita ko ang pag laki ng ngiti ni Nana nang marinig ang sinabi niya. Nilingon ko si Rafael at nakita ko rin ang malaking ngisi niya. Tinaasan ko siya ng kilay.

At kailan niya pa naging Nana si Nana?

"Nakiki Nana ka na rin, ah? Kapal naman ng mukha mo."

I wish I could say that, but I stopped myself. Baka isipin nilang nagseselos ako o big deal sa'kin na tinatawag niyang Nana si Nana Flora at halos lahat ng tao rito ay inaasikaso siya ng maayos? I don't really care.

"Umupo na kayo." Tahimik akong umupo sa isa sa bakanteng upuan at gano'n rin si Rafael na umupo sa bakanteng upuan na nasa harap ko.

Magkaharap kameng dalawa ngayon at habang nilalagyan ni Nana ng pagkain ang pinggan ko ay tinignan ko siya. He looked so happy. Napailing ako.

Hindi lang girls sa school ang nabihag niya, huh? Mukha pati ang mga tao sa bahay ay gustong gusto rin siya.

Oh, Rafael. What witchcraft did you use to make them like you? Nang maiwasan ko.

Kumagat ako sa hawak na tinapay habang nag-iisip.

"Hindi ka mag r-rice?" He spoke, looking at my plate na tinapay lang ang meron.

"No." I replied. Hindi na ulit kame nag usap pagkatapos non.

Pagkatapos naming kumain ay kaagad na kameng naglakad palabas ng mansyon. Agad kong namataan ang mamahalin niyang motor sa di-kalayuan at pinanood siyang sumakay doon.

Hindi ko mapigilan ang purihin siya. He looked so cool nang sumakay siya rito nang walang kahirap-hirap! Never pa akong sumakay ng motor sa tanang buhay ko.

Ano kayang pakiramdam kapag sumakay ako sa motor niya? Mukhang nakakatakot dahil baka mahulog ako but I think it's really cool. Gusto kong subukang sumakay sa isang motor balang-araw.

"Susunod ako sa likod niyo. Don't worry, I won't make it obvious." Narinig kong sinabi niya habang nag susuot ng itim na helmet.

"Huh?" Wala sa sariling sabi ko. Tumawa siya at itinuro ang kotseng nag hihintay sa 'kin. Sinenyasan niya akong sumakay na. Napa-ayos ako ng tayo at walang sabi-sabing pumasok sa kotseng nag hihintay sa'kin.

Safe In Your ArmsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon