Chapter 25

630 26 8
                                    

Niña



"Kumain ka ng marami. Pumayat ka, oh!"

Nilagyan ng maraming kanin ni Ate Cherry ang pinggan ko kaya wala akong ibang nagawa kundi ang kainin 'yun. Kasama rin naming nagb-breakfast si Asaki na hindi pinapansin ni Ate Cherry dahil ayon sa kaniya, hindi niya ito kilala.

"Saktong-sakto dahil uuwi ako ngayon sa amin. Kapitbahay ko lang si Rafael kaya pwedeng-pwede kitang dalhin sa kaniya," She said happily.

Nang sabihin kong gusto kong makita si Rafael, mabilis siyang pumayag at naligo na agad. May plano rim pala siyang umuwi ngayon sa kanila kaya napaka ganda raw ng timing ko.

"I heard what happened. Nag resign raw si Rafael?" Malungkot na nginitian niya ako.

"Hindi ko alam kung bakit siya nag resign, pero may kinalaman ba 'to sa romantic relationship niyo?" Napaubo ako nang marinig 'yun kaya agad akong inabutan ng tubig ni Asaki.

"Wala kameng ganung relasyon! And he didn't resign, tinanggal siya sa trabaho." Umuubo kong sabi kaya malakas siyang natawa.

"Ay, ganun ba? So, ito ba ang kapalit niya?" Tukoy niya kay Asaki na nakatitig ngayon sa kaniya.

"Hindi. He's one of my parent's men, hindi ko siya bodyguard," I said. Napatango siya at muling sumubo ng kanin.

"Bakit mo ba gustong makausap si Rafael? Habulan ba 'to? May narealize ka ba nung nawala siya? Tapos magiging kayo, tapos---

"Walang ganung mangyayari, Ate." Napailing ako. Bakit ba ganito mag-isip 'tong si Ate Cherry? The pile of books inside her room about romance must be the reason.

"Then, what's the reason? Bakit mo siya gustong makita?" Taas kilay niyang usisa. Hindi ako nakasagot dahil wala naman akong maisagot ro'n.

Bakit ko nga ba siya gustong makausap?

Hindi ko naman na siya bodyguard, 'di ba? Wala na siyang kinalaman sa mga nangyayari ngayon sa buhay ko. This is none of his concern.


"Kumusta ka?" Asaki changed the topic.

"Sino ka? Okay lang ako." Ate Cherry was confused, but she answered him anyway.

"I'm Asaki, ikaw?" He smiled at her.

"Love. Cherry 'yung tawag nila sa 'kin," sagot ni Ate Cherry kaya tumaas ang kilay ko.

Love ang totoong pangalan niya? Bakit hindi ko alam?

"Nice to meet you, Love," malanding sabi ni Asaki kaya napaubo ako. Ngumiti lang si Ate Cherry at binilisan na ang pag-kain.

Pagkatapos naming kumain, agad kameng umalis pagkatapos maghugas ni Ate Cherry. Marami siyang dala at lahat ng 'yun ay si Asaki ang bumuhat hanggang sa makarating kame sa parking. Asaki doesn't mind carrying her things for her at sa maiksing panahon, naging close agad silang dalawa.

Umupo ako sa backseat at sa shotgun seat naman si Ate Cherry, katabi si Asaki.

"Pasensya na talaga sa abala, Ate. Thank you."

Wala na talaga akong ibang maisip na taong pwedeng makaalam kung saan nakatira si Rafael maliban kay Ate Cherry. I'm glad I met her dahil kung hindi ko siya nakilala, talagang mahihirapan akong hanapin si Rafael dahil wala naman ako gaanong alam tungkol sa kaniya.

Mabuti nalang talaga at nandito si Ate Cherry.

"Ano ka ba? Hindi ka na ibang tao sa 'kin. Kung kailangan mo ng tulong ko, sabihin mo lang sa 'kin. I gotchu, girl." Nginitian niya ako mula sa rearview mirror.

Safe In Your ArmsWhere stories live. Discover now